Opinions

Wala ng sagabal*

NGAYON na mukhang kontrolado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng sangay ng pamahalaan – ehekutibo, lehislatura at hudikatura – ay walang dahilan para manatiling bansot ang bansa sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Ika nga, lahat ay nasa kanya na, kaya wala ng dahilan para magsabi pa siya na kulang pa ang kanyang kapangyarihan. Hindi na niya kailangan pa ng dagdag na poder dahil sobra pa sa kanyang hinihingi ang nangyari matapos tanggalin sa puwesto si dating Chief Justice Maria Lourdes PA Sereno ng mga mahistrado na hindi niya (Pangulo) “kaaway.”

Kahit ano ay puwede ng isabatas ng “rubber stamp” na kongreso at kanya na itong maipatutupad ng walang pangamba dahil tiyak na bibigyang legalidad ito ng hindi “kaaway” na hukuman. Alalahanin natin na wala na doon ang “kanyang kaaway” na si Sereno.

Congratulations Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala ng sagabal sa inyong landas at mga balakin.

* * *

Ngayon na mukhang ilusyon na lamang ang check and balance sa pamahalaan, malaki ang responsibilidad ng mga progressive groups sa bayan na bantayan ang kilos ng mga namamahala at yung mga nagsasabi na sila ay pinunong bayan.

Dahil mukha nga na wala nang “check and balance” ay dapat gampanan ng mga kilusang mapagpalaya ang tungkulin na dapat ay ginagawa ng mga tunay na mambabatas at mahistrado ng bayan. Pero bago pa man ang lahat, kailangang ng mga organisasyong bayan ang masinop na pagoorganisa ng hanay, masinsing pagtatasa ng linyang pampulitika at matiyagang paghawi ng mga bagong porma ng pagkilos.

Hindi na sapat ang makalumang istilo ng pagoorganisa, bagkos ito ay nagiging hadlang pa sa paglawak ng mga kilusan. Kailangang mag-adapt ng mga progesibong organisasyon sa daloy ng kasalukuyang panahon.

* * *

Kulang na ang alam lamang natin ay ang mga nangyayari sa ating bayan. Dapat ay alam din natin ang mga kaganapan sa buong mundo upang sa bawat pagpapasya ay may mas malawak na konteksto tayong pinagbabasehan ng ating mga desisyon.

Ang pagiging parokyal nating mga Pilipino ang isa sa mga dahilan kaya kulang sa lalim ang ating mga puna at pagkakaunawa sa mga pangyayari, lalo na sa bagay na may kaugnayan sa ating ekonomiya, sisteng pampulitika at kultura.

Kulang na kulang ang karamihan sa ating mga diskurso kundi man talagang walang diskurso kaya medyo hilaw ang ating mga paniniwala. Minsan hindi sapat ang mabuting intensyon, kailangan din na may pinagbabatayan ito.

* * *

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines. 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.