Singil sa tubig bababa sa susunod na buwan

Ni Santiago Celario

Image © mexperience.com

 

BABABA ang halaga ng sinisingil ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa konsumo ng tubig mula sa kanilang mga kliyente sa buwan ng Abril, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Ayon sa MWSS inaprubahan ng kanilang Board of Trustess ang second quarter foreign currency differentials adjustment (FCDA) dahilan para bumaba ang water rates ng MWCI at Maynilad. Ang FCDA ay isang mekanismo na ginagamit sa pagtataya ng foreign exchange losses o di kaya ng nakukuhang benepisyo mula sa mga utang ng MWSS at private sector concessionaires para sa capital expenditures at concession fees.

Nabatid pa na ang mababang singil, na magsisimula sa April 1, 2018, ay kapalolooban ng PhP0.04 per cubic meter (/cu.m.) average downward adjustment ng Manila Water at PhP0.01/cu.m. naman ng Maynilad. Mangangahulugan ito ng bawas na PhP0.20 sa singil sa tubig ng Manila Water at PhP0.06 naman ng Maynilad sa kanilang mga customers na kumukunsumo ng 10 cu.m. pataas sa kada buwan.

Ang mga customers ng Manila Water nakonsumo ng 20 cu.m. kada buwan ay magkakaroon naman ng bawas singil na PhP0.45 samantalang ang customers ng Maynilad ay magkakaroon ng bawas singil na PhP0.23 sa kanilang buwanang bayad.

Ang mga nakonsumo naman ng 30 cu.m. kada buwan ay may bawas na PhP0.91 mula sa Manila Water at PhP0.46 mula sa Maynilad.

Ang Manila Water at Maynilad ang tanging dalawang water concessionaires na naghahatid ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.