Bilang ng mga batang ina sa QC na may edad 12 anyos lumaki

Ni Santiago Celario

Image © http://aparisyon-clairedorothydeclarador.blogspot.com

LUMOBO na umano sa halos 30,000 ang bilang ng mga batang ina na nasa edad 12-anyos sa Quezon City.

Ayon sa pahayag ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong sa harap ng 400 batang single parent nitong Lunes, maliban sa parami ng parami ang bilang ng mga batang ina ay pabata ng pabata ang mga nagiging single parent sa siyudad.

Bunsod nito, at bilang pagdiriwang sa Women’s month, ay naglunsad ang QC government ng dalawang proyekto upang makatulong sa pagpapalaki ng mga bata at ng magkaroon nang maayos na ikabubuhay ang mga single parent kahit papaano.

Sinabi ni Belmonte-Alimurong na isa sa programang ilulunsad ng lokal na pamahalaan para sa mga batang single parent ay ang Tindahan ni Ate Joy, kung saan makabibili ng murang bigas ang madla sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture.

Nabatid pa kay Belmonte na isusulong din ng lokal na pamahalaan ang programang “Batang Ina” para magkaroon ng kakayahan ang mga batang ina na makapaghanapbuhay at ng mapangalagaan ang kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *