Mga pulubi’t palaboy sa mga lansangan ng Cubao, QC “sinagip”

Cubao, Quezon City. Image © Wikimedia Commons

APAT na pung tao, kabilang na ang tatlong menor de edad, ang dinampot sa Cubao, Quezon City ng mga kagawad ng barangay at pulisya dahil sa pagiging pulubi at palaboy sa lansangan nitong nagdaang Sabado ng gabi.

Ayon kay Barangay E. Rodriguez Captain Marciano Buena-Agua, “sinagip” nila ang mga pulibi at palaboy mga bandang alas-9 ng gabi mula sa mga pangunahing lansangan ng Cubao sa pangunguna ng Barangay Public Safety and Order, Barangay Anti-Drug Abuse Council, Violence Against Wound, mga barangay councilors at operatiba ng Quezon City Police Department Station No. 7.

Idinagdag pa niya na ang operasyon sa New York, Ermin Garcia, EDSA, Annapolis, West Point, St. Mary, Cambridge at Aurora Boulevard ay bilang pagpapatupad lamang sa ordinansa na nagpapataw ng oras ng curfew; at nagbabawal sa pagtulog at pag-iinom ng inuming nakalalasing sa mga lansangan ng Quezon City.

Nabatid pa mula kay Buena-Agua na matapos kuhanan ng profile sa kanyang tanggapan ang mga naturang pulubi at mapatingnan sa Quezon City General Hospital ang mga dinampot; sila ay dinala sa Jose Fabella Center (Transient’s Home) ng Department of Social Welfare and Development sa Mandaluyong City para sa kaukulang kalinga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.