“Hindi kailangan ng Pilipino ang isang Diktador” – Sen. “Bam” Aquino IV

Sen. Bam Aquino (left) and President Rodrigo Duterte. Photos © rappler.com and dailynewsph.com

“HINDI kailangan ng Pilipino ang isang diktador.”

Ito ang mariing pahayag ni Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay diktador dahil ito lamang ang paraan upang umunlad ang Pilipinas.

(Read More: http://beyonddeadlines.com/2018/02/09/duterte-if-i-dont-act-like-a-dictator-the-philippines-wont-progress/)

“Diktadurya ang nagdulot ng karahasan at pagpatay, kawalan ng trabaho at kalayaan, korupsyon at napakalaking pagkakautang,” ang sabi ni Aquino sa isang pahayag na lumabas sa kanyang website (http://www.bamaquino.com/sen-bam-presidents-affirmation-dictatorship-style/).

Ipinaalaala pa niya na “lumaban ang bayan noong People Power dahil hindi dictatorial style ang dudulot ng sapat na kita para sa bilihin, kalidad na edukasyon, at kaligtasan ng pamilya na inaasam-asam ng mga Pilipino.”

“Hindi diktador ang kailangan, sa halip ay pinunong may kakayahan at tunay na malasakit sa buong bayan, lalo na para sa mahihirap nating kababayan,” diin ng batang senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.