Bulkang Mayon patuloy na sumasabog

Ang bulkang Mayon habang sumasabog noong nakaraang buwan. Photo © http://www.sunstar.com.ph

NAMATAAN ang sunod-sunod na pagbulwak ng lava mula sa bunganga ng bulkang Mayon nitong araw Martes patunay na patuloy ang pag-aalboroto nito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagbulwak ng lava ay nasaksihan dakong 5:57 ng umaga at tumagal hanggang alas 3:59 ng hapon. Sinabi pa ng Phivolcs na umaabot na 116 volcanic earthquakes ang naitala sa paligid ng bulkan sa loob lamang ng nakalipas na 24 oras mula Lunes.

Aabot na sa 1,583 tonelada ng gas na Sulfur dioxide ang tinatayang sumingaw mula sa bulkan mula noong Biyernes, idinagdag pa ng Phivolcs.

Nakataas ngayon ang alert level 4 sa bulkang Mayon at patuloy na pinaalalahanan ang publiko ng Phivolcs na wag lumapit sa walong kilometraheng radius ng bulkan dahil ito ay isang danger zone.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang Civil aviation authorities na abisuhan ang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.