Target ng DENR ang Lawa ng Laguna

The world famour Manila Bay sunset. Image © wikipedia

MATAPOS linisin ang Manila Bay ang sunod na target ng Department of Environment and Natural Resources ay ang paglilinis sa Lawa ng Laguna o Laguna de Bay.

Ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, matapos ang matagumpay na paglilinis sa Look ng Maynila kamakailan ay pagtutuunan naman ng pansin ng kanyang ahensya ang paglilinis sa pamosong lawa.

I intend to clean up the Laguna Lake. That’s my goal,” pahayag ni Cimatu sa harap ng mga opisyal ng sa Region 4-A na nakasasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON).

Gayun man, sa kabila ng mabigat na pahayag ni Cimatu ay nagsabi siya na matutupad lamang ang hangarin na malinis ang Lawa ng Laguna kung tutulungan ang DENR ng mga tauhan ng Provincial Environment and Natural Resources Officers (PENROs) at Community Environment and Natural Resources Officers (CENROs) mula sa Laguna at Rizal.

Sunset at Laguna de Bay Image © https://www.flickr.com

Nasabi rin ni Cimatu na magiging mahigpit ang ahensya sa paggagawad ng kaparusahan sa sinumang mahuhuling magtatapon o magiging sanhi ng pagdumi ng lawa, na aniya ay isa sa itinuturing na may pinaka-magandang sunset sa mundo.

Ang Laguna Lake, ang pinaka-malaking tubig tabang sa buong Pilipinas at ikatlo sa Timog Silangang Asya o Southeast Asia.

One Comment

  1. Pingback: Target ng DENR ang Lawa ng Laguna - Duterte Daily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.