News

Kinondena ng National Democratic Front ang administrasyong Duterte sa ginawa nitong pagdakip kay Rafael Baylosis

NDF Consultant Rafael Batylosis Photo © https://news.mb.com.ph

MARIING kinondena ng National Democratic Front of the Philippines ang ginawang pagaresto ng mga pulis at militar kay Rafael Baylosis, sa isa sa mga peace consultants ng pinagkaisang prente ng mga rebolusyunaryo, at kanyang kasama nitong Miyerkoles sa Lungsod Quezon.

Ayon kay Luis Jalandoni, NDFP National Executive Committee member, isang paglabag sa kasunduan na nilagdaan ng pamahalaan at kilusang rebolusyunaryo ang ginawang pagdakip kay  Baylosis at kasama nito.

Ayon sa ulat, inaresto ng mga pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District, Criminal Investigation and Detection Group at Armed Forces of the Philippines si Baylosis at kasama nitong si Guillermo Roque, na isa umanong miyembro ng New Peoples Army.

Si Baylosis, 69; at Roque ay inaresto dakong ala 1:30 ng hapon sa kanto ng Aurora Boulevard at Katipunan Avenue matapos umanong makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay ng kanilang lokasyon.

Nakumpiska umano kina Baylosis at Roque ang dalawang kalibre .45 na baril, 14 na bala sa dalawang magazine, cellphones at iba’t-ibang subersibong dokumento.

Maaalalang pinalaya si Baylosis, dating chairman ng Communist Party of the Philippines, noong 2016, dahil isa siya sa kumakatawan sa CPP-NPA at NDFP sa naunsyami nitong pakikipag-peace talk sa administrasyong Duterte.

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.