Nakahihiya*

HINDI maubos maisip ng Usaping Bayan kung bakit kailangang bigyan ng pagkilala si Communications Undersecretary Mocha Uson ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc. gayong malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na mas nakararami sa kanyang mga Tomasino ang higit na karapat-dapat sa pagkilala.

Napakinggan ng Usaping Bayan ang panayam kay Henry Tenedero, ang nagbitiw na pangulo ng USTAAI, sa isang himpilan ng telebisyon at halatang namimilipit siya sa pangangatwiran kung paanong bibigyang hustisya ang pasya ng asosasyon sa ginawa nitong pagkilala kay Uson.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Uson dahil sa kanyang pananatiling “die hard” na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga ulat na malaganap na patayan at korapsyong may kaugnayan sa illegal na droga na umano ay maikakawing sa administrasyon nito.

Dahil sa pagiging masigasig na taga-sunod ni Duterte ay ginawa siyang isa sa mga mouthpiece ng kanyang administrasyon.

Matagal na ring lumulutang ang mga ang usapin kaugnay ng kawalan ng kakayahan ni Uson na gampanan ang tungkulin bilang responsableng taga-pagsalita ng administrasyon dahil kung ilang beses na umano itong nagtatagni-tagni at naglalabas ng mga hindi totoong balita.

Tiyak ng Usaping Bayan na laksa-laksa ang sasang-ayon sa isinulat ng isang komentarista at UST alumnus na si Philip Lustre Jr. sa kanyang Facebook page na si Uson ay isang “distinguished purveyor of fake news, lies, and deception.”

Sinabi ni Tenedero na dalawa lamang ang kanilang ginawang batayan sa pagpili ng mga binigyan ng pagkilala. Ito ay ang pagiging 1) UST graduate at 2) dapat ito ay kasalukuyang naglilingkod sa pamahalaan. Wala umanong pulitika sa kanilang pagdedesisyon.

Gayun man ay inamin ni Tenedero na hindi nila kinonsidera ang moralidad at pagkatao (morality and uprightness) ng kanilang mga binigyang pagkilala. Sinabi rin niya na ang pagkilala ay hamon sa mga nabigyan nito na isabuhay ang UST Core Values.

(Basahin pa: http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/640675/morality-uprightness-not-considered-in-choosing-awardees-ustaai-president/story/#sthash.S5OzraZI.gbpl)

Si Tenedero ay nagbitiw sa pagkapangulo ng USTAAI dahil sa matinding batikos na inabot niya at ng asosasyon mula sa mga kapwa Tomasino. Pero sa kabila nito ay nanindigan siya na hindi babawiin ng asosasyon ang pagkilala kay Uson.

* * *

Sa ginawang pag-amin ni Tenedero na hindi nila kinosidera ang moralidad at katauhan ng kanilang mga binigyang pagkilala ay lumabas na walang kwenta ang pagkilala kaya marapat lamang na gayahin ng mga nakatanggap ang ginawang pagsasauli sa USTAAI ng parangal ni Akbayan party-list Rep. Tomas Villarin (UST AB Eco 85).

Ayon kay Villarin:

I am returning the Thomasian in Government Service Award given to me last January 21 by the UST Alumni Association because I refuse to buy into their recent justification for awarding Mocha Uson that one only needed to be a graduate of our Alma Mater, and be part of government. If that were true, then all Thomasian civil servants should have also been given such an award.

But here is something that’s undeniably true: It is shameful and unpleasant for someone to accept the award when one’s actions go against the core values of Thomasians, “truth in charity” as well as public accountability and transparency in government. Uson is a purveyor of fake news, an unrepentant violator of ethical standards in journalism, and a free-flowing fountain of foul language and obscenity. Indeed, she has corrupted the values that Thomasians hold dear.

At first, I decided to accept the award in good faith and was in fact even humbled by such gesture. But awards should distinguish role models from the rest based on merit. Awards should stand for something but if they can mean anything, then they are nothing.

I firmly believe that Thomasians are and will always be challenged to stand for truth in channeling genuine charity for others, in whatever way they can, with or without recognition.

* * *

Ang kolum na ito ay inyo ring mababasa tuwing Miyerkoles at Biyernes sa pahayagang Hataw.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

 

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *