Ipagtanggol ang Kalayaan sa Pamamahayag*

MARIING kinokondena ng Usaping Bayan ang lumalabas na pagtatangka ng mga nasa poder na patayin o supilin ang Kalayaan sa Pamamahayag sa pamamagitan ng kung tawagin noon ni dating Senador Rodolfo Biazon ay “legal gobbledegook.”

Wala sa loob ng vacuum ang pamamahayag kaya dapat nating maunawaan na may konteksto ang desisyon ng Security and Exchange Commission (SEC) kamakailan na tanggalan ng rehistro ang Rappler, isang internet based news media entity.

Una, bagamat hindi masama na may madaliang desisyon ang SEC kaugnay sa mga katanungan kung sino ang may ari ng Rappler, ay hindi normal at kagulat-gulat ang labis na bilis na aksyon ng SEC. Sa loob lamang ng limang buwan na desisyunan ang masalimuot na isyung ito ng Rappler.

Pangalawa, pansinin na ang mga katanungan kung sino ang may ari ng Rappler ay lumabas ilang araw matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Matatandaang kritikal ang mga ulat ng Rappler tungkol kay Duterte lalo na sa malaganap na Extra Judicial Killing sa kapuluan.

Pangatlo, may mga ulat na lumabas na hindi umano binigyan ng SEC ang Rappler ng panahon para sagutin ang mga akusasyon laban dito. Ang SEC ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the President kaya lumalabas na parang niluto ang lahat.

Pangapat, mapapansin din na bukod sa Rappler, lahat lamang ng pinag-initan ng administrasyong ito ay yung mga media entities na kritikal sa EJK at sa diktadurang Marcos tulad ng Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN.

Batay sa ilan lamang na mga dahilan na nabanggit ay malinaw pa sa Sikat ng Haring Araw ang motibo kung bakit ibig ipasara ng SEC ang Rappler. Malinaw na ginagamitan ng mga legalidad ang sinasabing umano’y kakulangan ng Rappler upang maipasara ito.

The SEC may be right in its decision but definitely it is not correct. Protect Press Freedom”

(Basahin pa: http://beyonddeadlines.com/2018/01/15/press-statements-on-threat-to-shut-down-rappler/)

* * *

Ang pagpapasara o pagkontrol sa mga kritikal na media entities ay bahagi ng mga unang kilos ng mga kaaway ng demokrasya, lalo na ng mga pasistang puwersa, upang tuluyang makontrol ang renda ng estado. Kaya dapat tayong maging mapagmatyag sa mga ganitong kilos ng mga nasa poder.

Huwag nating kalilimutan na ang kalayaan sa pamamahayag ay nakamit at tinatamasa natin ngayon dahil sa sakripisyo, dugo, pawis at luha ng mga nauna sa atin sa panahon ng diktadurang Marcos.

Ang Kalayaan sa Pamamahayag ay haligi ng isang Malaya at Makatarungang lipunan. Kung wala ito ay tiyak na mamamayagpag ang pangaabuso ng mga nasa poder sa atin at sa kalikasan.

* * *

Ang kolum na ito ay inyo ring mababasa tuwing Miyerkoles at Biyernes sa pahayagang Hataw.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

 

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.