Transportation Companies makikipagtulungan sa PDEA para sugpuin ang bawal na gamot

PDEA Director General Aaron Aquino

PARA maiwasan na magamit ng mga sindikato na nagpapakalat ng bawal na gamot ang public transport, isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Transportation Network Companies nitong Miyerkoles.

Ang lagdaang ito ng MoU ay kasunod nang isa pang pirmahan din ng MoU kamakailan ng PDEA, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at TNC.

(Basahin pa: http://beyonddeadlines.com/2017/09/29/ph-drug-enforcement-agency-asked-grab-and-uber-operators-to-help-in-the-anti-drug-campaign/)

Realizing that drug syndicates have exploited the use of transport network vehicle services (TNVS) the PDEA, LTFRB and the TNCs signed the MoU to stop this new trend of drug trafficking” said PDEA Director General Aaron Aquino.

Ayon kay Aquino ang mga drug syndicate ngayon ay ginagamit ang TNVS mobile-base application ng TNCs para ideliver ang mga illegal na droga na inilalagay sa mga packages o pakete upang mag mukhang regalo.

Sinabi pa ng Aquino na sa ilalim ng MoU, uobligahin ng driver ng TNVS ang nagpapadala ng package na buksan ito bago isakay at ideliver sa pupuntahan. Idinagdag pa niya bukod sa hindi ihahatid ang mga pakete na may pinaghihinalaang bawal na gamot ay irereport ng driver sa kinauukulan kung sino ang nagpapadala at kung saan balak dalhin ang pakete.

Gayun man ay nilinaw pa rin ni Aquino na sa kabila ng partisipasyon ng Philippine National Police ngayon sa anti-illegal drugs campaign, ay ang PDEA pa rin ang pangunahing ahensya na magsasagawa ng imbestigasyon, pag-aresto sa drug cases sa pakikipagtulungan ng LTFRB at TNC kasama na ang PDEA.

Inaasahan na mas mapapadali ngayon ang pagsugpo sa mga sindikato ng droga na magbabalak na magpadala ng kanilang mga kontrabando sa pamamagitan ng TNVS dahil sa pakikipagtulungan ng mga driver at at TNCs.

Basahin pa: http://beyonddeadlines.com/2017/12/18/ph-drug-enforcement-agency-met-with-private-couriers-to-counter-drug-smuggling/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *