Multi-media companies ng China tutulong sa PCOO–Andanar

Presidential Communications Operations Office head Secretary Martin Andanar. Image © http://www.gmanetwork.com

INAASAHANG madadagdagan pa ang mga multi-media companies sa iba’t ibang panig ng mundo na nakikipagtulungan sa Presidential Communications Operations Office ng Pilipinas para sa isinusulong nitong modernisasyon ng government television at mga istasyon ng radyo.

Ito ang napag-alaman matapos paunlakan noong Nobyembre 24 ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang imbitasyon ng State Council Information Office o SCIO ng People’s Republic of China na bisitahin ang top multi-media companies sa Shanghai.

Unang binisita ni Andanar ang Shanghai Eastday Co., Ltd.  kung saan ipinakita nina Mr. Xu Shiping, President and Editor-in-chief ng Eastday, kung paano nahikayat ng kompanya ang 100 million netizens sa loob lang 20 years at paano nilang nagawang maging multi-billion ang kanilang kompanya.

Sumunod na binisita at nakapulong ni Andanar ang Shanghai Media Group (SMG) at ang chairman nitong si Chen Yuren.

Ipinapaliwanag ni Shanghai Media Group Chairman Chen Yuren (nasa kaliwa) kung paano ang transition mula traditional media patungong makabagong media kay PCO Sec. Martin Andanar.

Dito ipinakita kay Andanar kung paano ang transition mula traditional media patungong makabagong media.

Ang SMG ang isa na ngayong pinakamalaking media at cultural conglomerates na may kumpletong portfolio ng media at related businesses.

Binisita din ng PCOO Secretary ang Shanghai United Media Group (SUMG) kung saan ipinakita ng director for External Relations Department na si Xia Jun ang flow of work at history ng kompanya.

Nakausap din ni Andanar si Mr. Chen Qiwei, General Manager ng SUMG, kung saan natalakay din ang possible collaborations ng PCOO at SUMG.

Ang SUMG ang leading newsprint company sa Shanghai at pinapatakbo nito ang 2 leading newspaper groups na Jiefang Daily Group at Wenhui-Xinmin United Media.

Ang Shanghai leg ang huling bahagi ng 4-day China trip ni Andanar kung saan hindi pinalagpas ng PCOO chief na makausap at makasalamuha ang ilang OFW na nakabase sa Shanghai para makumusta at malaman ang kanilang kalagayan doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *