Health News

Mga dating drug dependents nag-zumba sa Quezon Memorial Circle

Image © https://www.youtube.com

AABOT sa 1,000 tao na sumuko sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police dahil umano sa paggamit ng bawal na gamot at kanilang mga kapamilya ang nag-zumba nitong Biyernes sa loob ng Quezon City Memorial Circle bilang bahagi ng kanilang community based drug rehabilitation program.

Ayon sa Quezon City government, ang grupong ito ay ang ikalawang batch na mga dating gumagamit ng bawal na gamot na sumailalim sa anim na buwan na community-based drug rehabilitation program ng lokal ng pamahalaan.

Dakong alas 7:00 ng umaga ng simulan ang Zumba exercise na tumagal ng halos dalawang oras.

Quezon City Vice Mayor Josefina “Joy” Belmonte-Alimurong Photo © Philippine Star

Ayon kay QC Vice Mayor at City Anti-Drug Abuse Council chair Joy Belmonte-Alimurong, ang pag-zuzumba ay kabilang sa mga programa ng lokal na pamahalaan laban sa malaking problema na dulot ng bawal na gamot.

Bukod sa community-based drug rehab at preventive education program, mayroon ding livelihood para sa pamilya ng isang dating drug addict o pusher. Mayroon ding special drug education center na laan sa mga kabataan para makaiwas sa tussock ng droga, ani ni Belmonte-Alimurong.

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.