Bulkang Kanlaon sa Negros nagaalburoto

Mount Kanlaon. Image © https://en.wikipedia.org

MULING nag-aalboroto ang bulkang Kanlaon sa Negros.

Ito ang napag-alaman mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos makapagtala ng tatlong volcanic earthquake ang mga monitoring equipment nito sa paligid ng bulkan nitong nakalipas na Huwebes.

Idinagdag pa ng Phivolcs na kahit hindi maobserbahan na biswal ang bulkan dahil sa makapal na ulap na tumatakip sa bunganga nito ay patuloy ang monitoring ng mga instrumento kaya walang dapat ipangamba ang taong bayan.

Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy na nakataas lamang sa Alert Level 2 ang babala para sa bulkang Kanlaon dahil nananatili sa moderate level ang pagaalburoto nito.

Gayun man ay pinayuhan ng Phivolcs ang lokal na pamahalaan at ang publiko na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa pagpasok ng sino man at paglilikas sa mga naninirahan sa loob ng 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito.

Hiniling din ng Phivolcs sa Civil Aviation Authority of the Philippines na payuhan ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa bunganga ng bulkan.

Mahigpit na inoobserbahan ng Phivolcs ang bulkan Kanlaon, ang pinakamataas na bundok sa Kabisayaan, dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito nitong nakalipas na mga taon. Huli itong sumambulat noong 2006.

 

One Comment

  1. Pingback: Bulkang Kanlaon sa Negros nagaalburoto - Duterte Daily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *