News

Nagbabagong buhay na dating sugapa raw sa bawal na gamot pinatay sa loob ng bahay. EJK?

Image © http://www.abante-tonite.com

ISANG taxi driver na sumuko sa awtoridad upang makapagbagong buhay mula sa pagkalulong sa bawal na gamot ang pinatay sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Quezon City nang isang hindi pa nakikilalang salarin.

Nasawi sa mismong kinahihigaan si Adrian Tresvalles, 39, residente ng 31 Kalayaan C, Barangay Batasan matapos itong magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan mula sa hindi pa malamang kalibre ng baril.

Ayon sa ulat ng pulisya nangyari ang insidente noong madaling araw ng Nobyembre 15 habang ang biktima at asawa nito na si Zaineth ay natutulog. Pinasok nang nag-iisang gunman ang maliit na tahanan ng biktima at agad itong binaril.

Agad na tumakas ang gunman matapos ang insidente.

Batay sa record ng pulisya, si Tresvalles ay dati ng sumuko sa awtoridad matapos magsagawa ng “Oplan Tokhang” ang mga ito sa layuning makapagbagong buhay.

Nagsasagawa ngayon ng follow up operations ang pulisya upang matuntun at madakip ang suspek sa pagpatay kay Tresvalles.

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.