Mga Nigerian na pinaghihinalaang tulak ng shabu nadakip ng PH Drug Enforcement Agency

Philippine Drug enforcement Agency Director General Aaron Aquino Photo © http://www.sunstar.com.ph

DINAKIP ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong Miyerkoles ang dalawang Nigerian na pinaghihinalaang miyembro ng isang pandaigdigang sindikato na nagbebenta ng bawal na gamot matapos silang mahulihan ng umaabot sa Php6 milyong halaga ng methamphetamine hydro-chloride o shabu.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga suspek na sina Solomon Anochiwa, alias Brother, 34, ng Saudi Arabia Street, Better Living Subdivision, Parañaque City; at Desmond Ozoma, 34, ng Raya Garden Barangay Bicutan na sakop din Parañaque City.

Sinabi ni Aquino sa media na ayon sa mga ulat na kanilang Tanganyika mula sa intelligence community, ang mga suspek ay miyembro ng African Drug Syndicate na kumikilos sa ating bayan ag sangkot sa pamamahagi ng shabu sa Metro Manila, Bicolandia, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at lalawigan ng Quezon (CALABARZON).

Batay sa record ng PDEA, dakong 12:30 ng madaling araw nagsagawa ng magkasanib na operasyon ang mga sangay ng ahensya Camarines Sur sa pamumuno ni Director Christian Frivaldo, at sa CALABARZON sa ilalim naman ni Director Archie Grende sa kahabaan ng Centennial Road, Kawit, Cavite.

Nagpanggap ang isang ahente ng PDEA na mamimili ng droga sa mga suspek. Matapos maiabot ang 1.11 kilo na shabu sa poseur-buyer ay agad na dinakip ang mga suspek.

Bukod pa sa droga ay naumpiska mula sa mga Aprikano ang isang mobile phone at isang kulay pilak na Toyota Altis na may plakang YAX-234.

Sinabi ni Aquino na nakilala ng mga imbestigador si Anochiwa at nakuha ang numero ng kanyang cellular prone sa isinagawang tactical interrogation.

Kasalukuyan nakapiit ang mga suspek sa detention center ng PDEA habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (the Comprehensive Dangerous Drugs Act) laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *