News

Financier umano ng Maute Group nahuli ng pulisya ng Quezon City

Quezon City Police Department head, Chief Supt. Gullermo Eleazar Photo © gmanetwork.com

DINAKIP ng pulisya sa Quezon City nitong Huwebes ang isang negosyante na pinaghihinalaang “financier” ng teroristang grupo na Maute sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ng korte.

Ayon kay Quezon City Police Department (QCPD) Director Chief Supt. Lorenzo Eleazar inaresto ang 42 taong gulang na si Rasdy Malawani alias Rasdi Macabangkit o Rasdi Macabangket sa bahay nito sa Novaliches ng pinagsanib na puwersa ng QCPD, National Capital Region Police Office (NCRPO), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at AFP Naval Intelligence Service Group-NCR (AFP-NISG).

Ayon kay Eleazar ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant na ipinalabas ng Branch 89 ng Quezon City Regional Trial Court matapos siyang mahulihan umano ng isang kalibre .45 na pistola na may limang bala, isang rocket-propelled grenade (RPG) at iba’t ibang resibo ng mga hindi maipaliwanag at kaduda-dudang na mga bank transactions.

Sinabi pa ni Eleazar may kaugnayan si Malawani kay Ominta Romato Maute alias Farhana, ina ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na umano y mga pinuno ng teroristang Grupong Maute na umanib sa ISIS. Siya umano ang namamahala sa Salaam Bazaar sa Novaliches Plaza Mall na isa sa pinagmulan ng pondo na ginamit ng Grupong Maute sa pagkubkob nito sa Marawi City.

Idinagdag pa niya na batay sa ulat ng mga intelligence operatives ng Philippine National Police at AFP, ang suspek ang nagpapatakbo ng bazaar at kumukolekta ng renta mula sa stallholders at ipinadadala niya ang pera kay Azesha Macabangkit-Maute alias Lily, na asawa ni Madie Maute, sa Marawi City.

Si Maude Maute umano ang utak sa likod ng pagkubkob sa Marawi.

Samantala, si Farhana ay kasalukuyan ngayon nakapiit sa Bicutan Jail matapos maaresto sa Brgy. Kormatan, Masiu, Lanao Del Sur nitong nakalipas na Hunyo 2017.

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.