Artista dinakip ng pulisya dahil sa panggugulo umano sa isang kainan sa QC

INARESTO ng pulisya noong Lunes ng gabi ang actor na si Baron Geisler matapos umano itong ireklamo ng panggugulo sa isang resto- bar sa Quezon City.

Si Geisler na isang residente ng Angeles City, ay kaagad na sinampahan ng kaso sa tanggapan ng piskalya ng Quezon City matapos siyang ireklamo ng panggugulo ni Nora Quilang, general manager ng TGIF Restaurant; at security guard na si Edward Evangelista.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 10 sa Kamuning, nakatanggap umano sila ng tawag ng mga bandang alas-9 ng gabi na nagsasabing nanggugulo umano si Geisler sa loob ng TGIF Resto-Bar sa kahabaan ng Tomas Morato. Kaagad silang rumesponde at kanilang dinakip si Geisler.

Sinabi sa pahayag ng mga complainant sa pulisya si Geisler ay nauna nang pinagbawalang pumasok sa naturang resto bar dahil sa kanyang mga nakalipas na panggugulo sa nasabing resto-bar habang nasa impluwensya umano ng alak.

Subalit sa kabila ng pagbabawal ay nagpumilit si Geisler na pumasok sa naturang resto-bar sa paamamgitan ng pagdaan sa ibang pintuan nito.

Nang makapasok na umano ang actor ay hinayaan na lamang umano ni Qulang si Geisler subalit makalipas umano ang ilang oras nagsimulang magsalita ng kung ano-ano ang actor laban kay Quilang na ikinaabala ng ibang kliyente ng resto-bar.

Hinamon pa umano ng actor ang guwardiya na si Evangelista ng naturang resto-bar ng suntukan matapos siyang pigilan nito sa kanyang umano ay pagwawala.

Agad humingi ng tulong sa mga pulis ang management ng naturang restobar.

Nahaharap ngayon sa Geisler sa kasong unjust vexation at alarm and scandal.

Samantala, humingi ng tawad sa publiko ang nakatatandang kapatid ni Geisler na si Donald David III kasabay ng pagsasabing gagawa sila ng paraan upang mabago ang paguugali nito.

Idinagdag pa niya na maaring ang pagkamatay ng kanilang ina kamakailan ang isa dahilan kung bakit nagkakaganyan si Baron.

Ayon sa mga ulat ay kung ilang beses na umanong nasangkot si Gesler sa mga kaguluhan habang ito ay lasing sa alak.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *