Opinions

Commission on Human Rights*

LAHAT ng tao ay may karapatang mabuhay nang payapa at magkaroon ng katahimikan sa loob ng tahanan at pag-aari ng mga pribadong ari-arian. May karapatan siyang mabuhay na walang takot at makapagpasya ng malaya, makapagpahayag at lalong may karapatan siya laban sa pang-aabuso ng estado.

Subalit hindi lahat ng paglabag sa karapatan ng tao ay saklaw ng Commission on Human Rights o CHR. Walang poder ang CHR na imbestigahan ang mga pang-aabuso ng mga pribadong tao o grupo laban sa karapatang mabuhay, karapatan sa ari-arian, karapatan sa pamamahayag o karapatang makapagpasya ng malaya. May mga institusyon ang pamahalaan para sa mga partikular na paglabag sa mga karapatang ito ng mga pribadong tao o grupo.

Ilan lamang sa mga institusyong ito ay ang: kongreso, korte, pulis, Comelec, mga sangay ng pamahalaan tulad ng Department of Interior and Local Government, National Police Commission, Philippine National Police, Department of National Defense, at Armed Forces of the Philippines.

Ito ang ayaw unawain ng mga gustong gibain ang CHR. Kahit na malinaw pa sa sikat ng Haring Araw ang mandato ng komisyon ayon sa batas ay pilit nilang inililigaw ang kanilang wala o salat sa aral na taga-sunod sa pamamagitan ng malisyosong pagpupumilit na imbestigahan ng CHR ang mga biktima ng krimen ng mga pribadong indibidwal o grupo.

Bakit daw ang sinasabing pang-aabuso lamang pulis at militar ang sinisilip ng CHR? Bakit hindi raw nito iniimbestigahan yung pinatay o ginahasa ng mga kriminal lalo na yung lulong sa droga? Bakit hindi nito sinisilip yung insidente kung saan minasaker ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga pulis na tumugis at nakapatay sa isang kilalang terorista? Bakit umano walang kibo ang CHR sa mga insidente ng pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo?

Uulitin ko, hindi trabaho ng CHR na imbestigahan ang mga krimen ng pribadong indibidwal o grupo, maging adik man ang mga ito o kasapi ng MILF o NPA. Trabaho ng pulis na imbestigahan ang ating mga nabanggit katulong ang kaukulang sangay ng pamahalaan. May mga batas din sa Revised Penal Code tungkol sa paglabag o pang-aabuso sa karapatan ng tao na maaring gamitin para makuha ang katarungan.

Ang iniimbestigahan ng CHR ay yung mga patayan o krimen na ang sangkot ay pulis o sundalo dahil ito ang mandato ng komisyon. Kung madalas na sinisilip ng CHR ang pulisya at militar ay dahil dumadami ang insidente ng pangaabuso o krimen na sila ang sinasabing sangkot. Hindi dapat isisi sa CHR kung bakit nito iniimbestigahan ang mga pulis o sundalo, bagkus ay dapat tayong magpasalamat dahil matapat na ginagampanan ng komisyon ang tungkulin nito.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maari kayong pumunhta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

* * *

(Maari ring mabasa ang Usaping Bayan sa Opinion Section ng pahayagang Hataw tuwing araw ng Miyerkoles at Biyernes. Makikita rin sa  http://www.hatawtabloid.com ang tala na ito).

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.