Opinions

Harvey*

SALAMAT sa Diyos dahil sa kabila ng pananalasa ng Hurricane Harvey sa Houston, Texas ay walang kababayan natin ang naiulat na namatay bagamat marami sa kanila ang nadala sa mga evacuation centers matapos lumubog ang halos 80 porsyento ng nasabing lungsod at mga katabing lugar.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad ay umabot na sa 18 ang nasawi at tinatayang aabutin ng US$42 bilyon ang halaga ng naging pinsala ni Harvey sa mga pribado at pampublikong air-arian sa Houston at mga karatig pook, lalo na yung nasa baybayin ng Gulpo ng Mexico.

Napag-alaman pa ng Usaping Bayan na bibilang ng ilang taon, kundi man isang dekada, para maisaayos lamang ang mga sinira ni Harvey.

Ayon sa United States National Weather Service, walang kahalintulad sa tala ng kasaysayan ng US ang lawak at lupit ng hagupit ni Hurricane Harvey, isang patunay na nagkakaroon nga ng climate change sa mundo.

* * *

Ayon sa mga eksperto hindi sana masyadong nasalanta ang Lungsod ng Houston kung mayroon lamang regulasyon ang pamahalaan panglungsod ng Houston para sa zoning, population at structure density, at pagtatayo ng mga istraktura.

Dahil sa sobrang pagsamba ng mga Texan sa kasagraduhan ng pribadong pag-mamay-ari ay walang batas na naipasa kaugnay sa “regulation” “population at structure density” at “zoning” dahil tinitingnan nila ito bilang isang hindi katanggap-tanggap na pakiki-alam ng estado sa sagradong karapatan ng isang indibidwal na mag-may-ari.

Ang resulta nito ay ang walang humpay na pagtatayo ng mga subdivision, condominiums at konkretong parking lot kung saan saan, kahit sa mga lugar na tinatawag na catch basin; na naging dahilan naman ng pagkawasak ng kalikasan, lalo na yung mga watershed na sumasalo ng tubig ulan. Dahil dito ay walang napuntahan ang tubig baha na dala ni Hurricane Harvey kundi ang mga lugar na pinaninirahan ng tao.

Harinawa, masakit mang isipin dahil sa hirap na inabot ng mga karaniwang mamamayang Amerikano, ay maging aral sa ating mga pinunong bayan ang sinapit ng mga mamamayan ng Houston at Texas. Sana ito ang magtulak sa kongreso at sa mga konseho ng lungsod at bayan na ipatupad nang mahigpit ang zoning, population density at regulasyon sa pagtatayo ng mga istraktura.

Tanging sa ganitong paraan lamang makaiiwas tayong mga nasa mga mega urban areas – tulad ng Metro Manila, Cebu at Davao – sa trahedya.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maari kayong pumunhta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

* * *

(Maari ring mabasa ang Usaping Bayan sa Opinion Section ng pahayagang Hataw tuwing araw ng Miyerkoles at Biyernes. Makikita rin sa http://www.hatawtabloid.com ang tala na ito).

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

 

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.