Negosyanteng Hapones nag-donate sa Marawi evacuees

Takanori Numazaki Photo © https://www.facebook.com/photo.php

NAGBIGAY ng mga bagong damit, sapatos at iba pang kagamitan ang isang grupo ng mga negosyanteng Hapones para sa mga lumikas mula sa kaguluhan sa Marawi City.

Ang grupo ay pinangunahan ni Takanori Numazaki, chief executive officer ng KK. Korin Logistics.

Ayon kay Numazaki, bukod sa mga damit, sapatos ay magbibigay din ang kanilang grupo ng appliances at containers para sa mga bakwit ng Marawi.

“Nais din naming matulungan ang mga evacuees at mga sundalo kasama na ang kanilang pamilya sa kanilang mga pangangailangan araw-araw,” wika pa ni Numazaki.

Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar Photo © http://newsinfo.inquirer.net

Para agarang makarating ang kanilang 20-30 container vans na donasyon ay pinadaan nila ito sa tanggapan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Ang donasyon ay tinanggap ni PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat mula kay Numazaki sa Malacanang.

Nagpasalamat naman sa Andanar kay Numazaki at mga negosyanteng Hapones.

“Nais ko pong magpasalamat sa grupo ng Japanese businessmen na namigay ng mga brand new na mga damit, sapatos, appliances para sa mga kababayan nating evacuees sa Marawi City. Sisiguruhin ko pong makakarating ang inyong donasyon sa mga nangangailangan,” wika pa ni Sec. Andanar.

One Comment

  1. Pingback: Negosyanteng Hapones nag-donate sa Marawi evacuees – Duterte Daily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.