Opinions

Uupuan kaya ng boksingero ang papel ng environmentalist sa makapangyarihang CA?*

IBINITIN ng bicameral Commission on Appointments na pinamumunuan ng boksingerong senador na si Manny Pacquiao ang pagaapruba sa nominasyon ng kilalang mapagmahal sa kalikasan na si Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources dahil sa mariing pagtutol ng mga kumpanya nang pagmimina sa bansa.

Walong oras na magiting na idinepensa ni Lopez sa komisyon ang kanyang desisyon na ipatupad ng masinop ang batas sa pagmimina dahil ang walang respetong pagmimina ng mga dambuhalang kumnpanya ang sanhi ng maraming trahedya sa kalikasan na ikinamatay nang libo. Gayon man sa kabila ng kanyang malabayaning paninindigan ay sinuspinde lamang ng boksingerong senador ang hearing ng komisyon. Ika nga nauwi sa wala ang mga ipinahayag ni Lopez.

Ayon sa boksingero ay “paguusapan muna” ng mga miyembro ng komisyon ang concern at ang mariing pagtutol ng mga kumpanya nang pagmimina sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Lopez. Pero may pahiwatig na hindi pa man naguusap ang mga miyembro ng komisyon ay uupuan na ni Pacquiao at mga kapanalig nito ang papel ni Lopez na nakabinbin.

Definitely ma-ba bypass (siya). The President has to reappoint her,” ito ang walang pagaalinlangang sinabi ng boksingero sa mga mamamahayag na dumalo ng hearing ng komisyon kaugnay sa nominasyon ni Lopez.

Tapos na ang boksing….

* * *

Ano kaya ang tunay na dahilan bakit inuupuan ng boksingero ang papel ni Lopez? Dahil nga kaya sa pagtutol ng mga sinasabing maapektuhang maliliit sa mga polisiya ni Lopez o dahil sa kumakalat na kwento sa social media na ibig pumasok ng boksingero sa negosyo ng pagmimina kasosyo ang isang makapangyarihang politiko mula sa norte?

Hindi natin alam kaya abangan natin ang susunod na kabanata.

* * *

Marami ang nagulat sapagkat sa pagkakataong ito ay sa panig ng kasaysayan umayon si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng kanyang ipinakitang pagtutol sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan.

Hindi alam ng Usaping Bayan ang dahilan sa likod ng pasya ni GMA na tutulan ang pagbabalik ng parusang kamatayan pero ano man iyon ay masasabi ng mga mulat na kritiko na tama ang kanyang ginawa sa pagkakataong ito.

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.