News

Pamasahe sa jeep tumaas

The iconic passenger jeeps Photo © http://newsinfo.inquirer.net

SIMULA sa Pebrero 21, ay magiging P8 na ang minimum na halaga ng pamasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Central at Southern Luzon dahil sa pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo sa daigdig.

Ito ang napag-alaman ng mga mamamahayag mula sa isang anunsyo ng Land Transportation Franchising and Reglatory Board (LTFRB).

Ayon sa nasabing tanggapan, nagpasya sila na itaas pansamantala ang halaga ng pamasahe sa mga pampasaherong jeep mula sa dating P7 kada apat na kilometro matapos nilang masusing timbangin ang inihaing petisyon ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO). Gayon man ay idiniin ng nasabi ring ahensya na walang magaganap na dagdag pasahe sa mga susunod na kilometro matapos ang unang apat na kilometro.

Ipinagtanggol ni Ronaldo Corpuz, isa sa mga board member ng LTFRB, ang desisyon ng ahensya sa pagsasabi na ang pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo sa padaigdigang merkado ang ugat ng kanilang pasya na katigan ang petisyon ng ACTO.  

Sa kabilang banda ay minaliit naman ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators NAtionide (PISTON) ang fare hike. 

Sinabi ni George San Mateo, presidente ng Piston, na ang pagtaas ng pasahe sa jeep ay bahagi lamang nang epekto ng kawalang aksiyon ng pamahalaang Duterte na mareporma ang oil industry sa bansa.

“Sa halip taas pasahe, mas mainam anya na bigyan na lamang ng P5 discount ang mga passenger vehicle sa pagbili ng krudo upang may malaking maitutulong ito sa hanapbuhay ng mga maliliit na driver,” ani ni San Mateo.

Sa ngayon anya, P1 lamang ang discount ng mga passenger vehicle drivers sa pagbili ng krudo sa mga gasolinahan sa bansa. 

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.