Opinions

Tutulan GMO*

00-usaping-bayan-nelson

DAPAT mag-doble kilos ang mga taong naniniwala na masama ang mga pagkain na may bakas ng Genetically Modified Organism sa kanilang information drive dahil kumikilos na ang mga dambuhalang dayuhang kompanya na nagsusulong nito sa ating bansa katulong ang ilang kababayan na syantipiko at public relations practitioners.

Malinaw na sa karamihan ng mga sayantipiko ng mundo na walang katiyakan ang kaligtasan ng GMO. Ito ay produkto ng mga (dayuhang) kompanya na kung ilang ulit ng nabuking na sinungaling at walang pakundangan sa kalusugan ng mga tao. Ang mga kompanyang ito ang nasa likod ng agent orange, ng mga pestisidyong ngayon ay ban na sa mundo (maliban siguro sa ating bansa), at mga gamot na kanser ang side effect.

Ito rin ang mga kompanya na ang pakiramdam na sila ang papalit sa Dakilang Arkitekto ng Sangkalawakan kaya nga ayon sa mga haka-haka ng ilan nating mga katoto ay “God Move Over” ang tunay na ibig sabihin ng GMO.

Araw-araw ay may mga lumalabas na ulat kaugnay ng kasamaan ng GMO sa ating kalusugan. Karamihan sa mga ulat na ito ay mula sa mga kasalukuyang pagsasaliksik na isinasagawa ng mga sayantipiko mula sa  Europa,  bansang Hapon at Tsina.

Lumalabas na ang mga pagkaing may GMO ay nagdudulot ng sari-saring sakit (kabilang na ang kanser at pagka-baog) kabaligtaran sa ipinagpupumilit ng mga lumilikha at nagtitinda nito na ito’y ligtas kainin.

Dahil dito ay lumalaki na ang bilang mga bansa na nagbabawal sa pagtitinda ng GMO kabilang na rito ang Ireland, Saudi Arabia, Hungary, Peru, Sri Lanka and Thailand. Binabalak na rin ng European Union na ipagbawal na ang lubusang pagmemerkado ng mga pagkaing may GMO sa mga bansang kasapi nito.

Kabilang naman sa mga naghihigpit sa pagbebenta ng mga pagkaing may GMO ay ang mga bansang Algeria, Egypt, Japan, China, Norway, Austria, Germany, United Kingdom, Spain, Italy, Greece, France, Luxembourg, Portugal, Brazil and Paraguay.

Para sa listahan ng mga pagkaing may GMO ay maari ninyong pasyalan ang website na ito:http://shiftfrequency.com/comprehensive-list-of-gmo-products/

* * *

Ayon kay Jeffrey Smith, isang anti-GMO advocate, dapat lagyan ng tatak ng pamahalaan ang mga pagkaing may GMO para alam ng tao kung ano ang kanilang kinakain. Pinuna rin niya ang kapalpakan ng ating sariling Food and Drug Association sa wala man lamang pag-aatubili na pagtanggap nito sa mga pagkaing may GMO.

“The Philippines FDA was being overly optimistic when they claimed that the GMOs on the market meet the FAO/WHO safety assessment criteria. In fact, the Bt-corn, Roundup Ready soy, and GM papaya all fail their criteria. Furthermore, companies refuse to use the FAO/WHO safety testing guidelines, choosing instead research protocols that are far less capable of finding health problems,” pagbubunyag ni Smith.

 

 

 

 

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.