Opinions

Ibang klase si Liza Maza*

 

usaping-bayan-nelson

HINDI makapaniwala ang halos 100 kontrakwal na empleyado ng National Anti-Poverty Commission na ganun-ganun na lamang silang aapihin at sisibakin sa trabaho ng kanilang bagitong hepe na Liza Maza dahil nakilala ito bilang tagapagtanggol ng mga inaapi.

Ang masakit pa raw nito, ayon kay Joseph Aquino, pangulo ng mga sinibak na kawani ng NAPC; ay hindi sila hinarap ni Aling Liza kahit ilang beses na nilang tinangkang makipag-usap dito. Ibig daw kasi nilang humingi ng paliwanag kung bakit ngayon lamang magkakaroon ng malawakang sibakan sa NAPC mula noong administrasyon ni Gng. Gloria Macapagal Arroyo.

Napag-alaman pa ng Usaping Bayan mula naman sa ilang kaibigan sa NAPC na karamihan sa mga sinibak ay malapit sa Akbayan, isang cause oriented group na hiwalay sa grupo ni Aling Liza na Gabriela. Lumalabas na ang tunay na dahilan pala kaya sila sinibak ay hindi streamlining ng burukrasya kundi dahil hindi sila ka linya ni Maza.

“Pinurga ni Liza ang mga hindi niya ka linya,”diin ng source ng Usaping Bayan.

Maliit pa lamang na tanggapan ang hawak nila, paano nba lang kung halimbawang manalo sila at kanila nang tanganan ang poder…Nakatatakot dahil malawak at maaring madugong purgahan pala ang mangyayari kahit na ang kasalanan lamang ng mga pupurgahin ay hindi sila naniniwala sa linya ni Maza, sabi pa ng mga kaibigan ng Usaping Bayan.

* * *

Nakatatakot ang kultura ng kamatayan na ikinikintal ng kasalukuyang administrasyon sa lipunang Pilipino. Ipinipilit ng administrasyong ito na tanging kamatayan lamang ng mga sinasabing lulong sa bawal na gamot ang solusyon sa problema ng bansa. Wala na itong nakikita pang solusyon kundi ang kamatayan.

Malaking mayorya sa ating mga Pilipino ay nagsasabing sila ay Kristyano pero kataka-takang walang nakakikita sa kanila na hindi asal Kristyano ang mga nangyayaring patayan. Mukhang nasa disyerto tayo ngayon at tila mananatili tayo dito sa medyo mahaba-habang panahon.

Kasehan nawa tayo ng Panginoon.

 

 

 

 

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.