Nakababahala ang lumalaking bilang ng mga kabataan na nasasangkot sa krimen – DSWD

Worrisome rise of youthful offenders Photo © news.bbc.co.uk

Nakababahala ang dumaraming mga bata na sangkot sa krimen Photo © news.bbc.co.uk

TINATAYANG aabot sa 10,556 mga kabataan ang nasangkot umano sa paglabag sa batas  o ang yung tinatawag na child conflict with the law nitong nakalipas na 2015 ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Ito ang ibinulgar nitong Miyerkoles ni Normina Mojica ng Council for the Welfare of Children ng DSWD sa isang panayam sa mga miyembro ng media. Sinabi pa ni Mojica na sa naturang bilang ay malaki ang porsyento ng mga kabataan na nagkakasala ng pang-oomit o theft at sa katunayan ay umabot na ito sa bilang na 4,014. Habang aabot lamang sa 138 mga kabataan ang iniulat na nasangkot sa illegal drugs.

“Medyo mababa ang kaso ng mga kabataan na nasangkot sa illegal drugs “ ani pa ni Mojica.

Ipinaliwanag ni Mojica na ang naturang bilang na kanyang binanggit ay nagmula sa report ng Philippine National Police (PNP).

“Nababahala kami sa pagtataas ng bilang ng mga kabataan ang nasasangkot sa paglabag sa batas lalo na ang mga kaso ng theft” ani pa ni Mojica

Sa kabilang dako, sinabi ni Mojica na tinatayang nasa 35.2 porsyento naman ng mga kabataang Pilipino ang tinuturing mahirap. Ito ay ayon sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA). Ipinaliwanag niya na ang bilang na ito ay mula sa tinatayang 4.21 milyon na pinakamahihirap na pamilya sa ating bansa.

Idinagdag pa ni Mojica na aabot naman sa 54 porsyento ng mga kabataan mula sa 89,159 pamilya ang apektado ng mga karahasan o displacement bunga ng labanan.

Napuna rin ni Mojica na nakababahala na rin ang tumataas ang bilang ng mga teenager na nabubuntis. Ito ay mga bata na mula 13 hanggang 17 taong gulang. Sinabi pa niya na nitong nakalipas na 2010 lamang ay aabot sa 207,814 bata ang nabuntis.

“Kaya nga tinawag tayo na gold medalist sa Asean region dahil sa mataas na kaso ng  teenage pregnancy” ani pa ni Mojica.

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *