Opinions

Si Liza Maza di raw tunay na makamasa?*

usaping bayanTINATANONG ng marami sa mga nakausap natin na contractual na empleyado ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) kung talagang makamasa ang pinuno ng kanilang komisyon na si Liza Maza matapos silang sibakin nito mula sa kanilang ikinabubuhay na gawain.

Epektibo raw sa katapusan ng buwan na ito ang kanilang pagkakatanggal sa trabaho. Hindi raw nila alam kung mula sa susunod na buwan ay dapat na silang humingi ng tulong sa NAPC dahil tiyak ng maghihirap ang kanilang kani-kaniyang pamilya bunga ng ginawa ni Liza Maza.

Tanong ng isang masisibak sa trabaho, “paano naman kami tutulungan ng NAPC ni Liza Maza gayong siya ang magiging dahilan ng aming pagiging mahirap sa hinaharap?”

Si Liza Maza ay kilalang aktibista na nakaranas ng mga paglabag sa karapatang pang-tao. Kaya hindi maintindihan ng Usaping Bayan kung bakit siya ngayon ang nangunguna sa umano ay paglabag sa karapatan ng mga tao na magkaroon ng disenteng buhay at disenteng trabaho.

Pakisagot nga ito Aling Liza.

* * *
Mula ng itayo ang The Yard sa kahabaan ng Xavierville Avenue sa Lungsod Quezon ay na leche na ang daloy ng trapiko sa lugar na ito. Walang oras na hindi mabagal ang usad ng mga sasakyan sa lugar na ito dangan kasi walang maayos na parking lot ang nagtayo nito.

Perhuwisyo ang establisimientong ito.

* * *

Sa kabila ng malimit na pagpuna ng Usaping Bayan sa mga local na opisyal ng Lungsod Quezon kaugnay ng pagpayag nito na gawing parking lot ng mga “commercial establishments” ang mga kalsada sa lungsod lalo na yung Congressional, Visayas at Tandang Sora Avenues ay wala pa ring ginagawa ito.

Tuwing gabi na lang ay makikipagpatintero ang mga dumadaan sa lugar na ito sa mga sasakyang pumaparada sa mga inuman sa mga kalyeng nabanggit. Baka naman hindi lamang inumin na nakalalasing ang ibinebenta sa mga “commercial sites” na ito?

 

 

 

 

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

One Reply to “Si Liza Maza di raw tunay na makamasa?*

  1. NASAAN NA ANG IPINAGBUBUNYING MAKATAO, MAPRINSIPYO, AT MAKABAYANG PANININDIGAN PARA SA TUWIRANG PAGBABAGO NG LIPUNAN AT PAGKAMIT NG PANLIPUNANG HUSTISYA?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.