Environment News

“Environmental issues” tutugunan agad ng DENR

DENR Secretary Gina Lopez Photo © http://newsinfo.inquirer.net
DENR Secretary Gina Lopez Photo © http://newsinfo.inquirer.net

INILUNSAD ng Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman o Department of Environment and Natural Resources ang isang action center upang matugunan kaagad ang mga usapin na may kinalaman sa kalikasan at nang kagyat na mapangalagaan ito.

Ito ang napag-alaman mula sa DENR Public Information Office nitong nagdaang Sabado. Ayon sa PIO, ibinaba ng kalihim ng kagawaran na si Gina Lopez ang Special Order No.2016-494 na lumilikha sa Action Center at nagpapalakas sa ugnayan ng DENR sa mga civil society organizations.

“Before, the civil society was in a contrarian relationship with DENR, It shouldn’t be the case. We should be there to serve them.” pahayag ni Lopez.

Bukod sa pagpapalakas ng ugnayan ay palalakihin din ng DENR ang partisipasyon ng mga civil society groups sa pangangalaga ng kalikasan para na rin sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ang Action Center din ang magiging bantay sa kalikasan dahil sila ang unang makakaalam ng mga pangyayari sa kapaligiran sa ibat ibang lugar ng bansa.

Sasagot din ang Action Center sa mga tawag sa telepono ng mga may katanungan, electronic mails at mga reklamo kaugnay sa paglabag sa mga batas pangkalikasan at mabilis na tutugunan ang mga ito sa pangunguna ni DENR Officer Arturo Valdez.

Una nang binuo ni Kalihim Lopez ang National Anti-Environmental Crimes Task Force na binubuo ng ibat ibang government agencies, kasama na ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para pangalagaan ang kapaligiran.

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.