May insentibo na para sa mga guro na pupunta sa mga liblib na lugar

Rep. Evelina Escudero Photo © http://www.bicolstandard.com

Rep. Evelina Escudero Photo © http://www.bicolstandard.com

HINDI na dusa ang sasapitin ng isang guro na madedestino sa malayo o liblib na lugar dahil ayon sa isang mambabatas ay bibigyan na sila ng pamahalaan ng insentibo.

Ito ang sinabi ni Rep. Evelina G. Escudero, House of Representatives Committee on Basic Education chair, sa isang forum nitong Miyerkoles sa Lungsod Quezon kung saan ipinaliwanag niya na ang insentibo ay bahagi ng pagpapatupad ng programang K-12.

Ani niya ay isusulong ng kanyang komite ang programa kaugnay ng pagbibigay ng insentibo sa mga guro lalo a yung malalagay sa mga malalayong lugar.

Ayon sa mambabatas nararapat na pag-ukulan ng mataas na budget ng pamahalaan ang edukasyon bilang pangangailangan ng mga mag-aaral para mahubog ang kanilang mga kaisipan at karunungan.

Sinabi pa ni Escudero na kaakibat nito nararapat din lagyan ng malaking budget ang mga guro na nagtuturo ng asignatura tungkol sa environment at iba pa na may kaugnayan upang mahikayat ang mga ito na ituro ang kahalagahan ng mga ito.

Samantala sinabi naman ni Prof. Bayani Santos Jr.,PhD. propesor ng Emilio Aguinaldo College-Manila at Manuel L. Quezon City University na may ilang mga guro na wala na sa puso ang pagtuturo kung kaya’t hirap na silang intindihin ng kanilang mga mag-aaral.

Sinabi pa nito na dapat gamitin ng mga guro ang lokal na lenggwahe ng mga lalawigan o rehiyon sa pagtuturo upang magkaroon ng interest ang mga estudyante sa kanilang mga asignatura.

Tanog ni Santos, paano matutunan ng isang mag-aaral ang subject nito sa paaaralan kung hindi nito natututunan ang lengguwahe na kanyang pinag-aaralan?.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *