Duterte kay De Lima: Magbigti ka na lang o mag-resign

Senator Leila De Lima while denying the drug allegations against her Photo © http://newsinfo.inquirer.net

Senator Leila De Lima while denying the drug allegations against her Photo © http://newsinfo.inquirer.net

PINAYUHAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila de Lima nitong Lunes na mas makakabuting magbigti na lamang ito o mag-resign bilang miyembro ng Senado.

Ibinulalas ni Pangulong Duterte sa isang media interview ang kanyang payo pagkatapos dalawin ang sugatang pulis na si PO1 Nestor Villanueva sa St. Paul Hospital sa Tacloban City. Nasugatan ito sa isang anti-drug operations ng PNP.

“If I were de Lima, I’ll hang myself. Dapat mag-resign na si de Lima. The innermost of your core as female is being serialized everyday. You should resign” wika pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na si de Lima ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno na inakusahan ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa operasyon ng sindikato ng bawal na gamot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Ayon na rin sa inilabas na matrix ng pangulo, kasama raw ng senadora ang kanyang sinasabing driver-lover na si Ronnie Dayan na kumokolekta ng drug money sa Bilibid.

Bukod kay de Lima at Dayan ay nasa matrix din si dating Bureau of Corrections director Franklin Bucayu, former DOJ Usec. Francisco Baraan III, kapatid nitong si former Pangasinan provincial administrator Raffy Baraan, Board Member Raul Sison, former Pangasinan governor at ngayo’y 5th district Rep. Amado Espino Jr.

Nauna na rito, inakusahan ni Pangulong Duterte na pagiging immoral si de Lima dahil sa pagkakaroon nito ng romantic relationship sa kanyang driver na si Dayan. Kamakailan ay ibinulgar din ni Pangulong Duterte na mayroon ng bagong lover daw si De Lima sa katauhan ng kanyang motorcycle escort na si Darwin Cristobal na isang taga Metropolitan Manila Development Authority.

Sinabi ni Duterte na mismong si dating MMDA chairman Francis Tolentino ang nagbulgar nito sa kanya dahil ni-request mismo ni de Lima si Darwin na i-assign daw sa kanya bilang motorcycle escort.

Kinumpirma ni De Lima na bahagi na si Darwin ng kanyang security escort subalit itinanggi niya na may relasyon siya rito.

Bukod dito ay hiniling din ni De Lima sa kanyang kaarawan noong Sabado na sana ay “tigilan’”na siya ni Pangulong Duterte upang makapag-focus na ito sa kanyang trabaho bilang mambabatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *