News Opinions

Nanganganib si Bistek na mawala sa poder*

usaping bayanUSAP-USAPAN sa Lungsod Quezon ngayon ang krisis na kinakaharap ng mayor nito na si Herbert “Bistek” Bautista kaugnay sa ginawang pag-amin kamakailan ng kanyang nakababatang kapatid na konsehal ng lungsod na si Hero Clarence Bautista bilang isa sa mga naging biktima ng droga.

Ayon sa kwento ay sinadya raw umano ni Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong na ipag-utos ora-orada noong Agosto 1, ang isang drug test para sa lahat ng mga konsehal ng lungsod, kabilang na si Hero. Alam daw umano ng bise na sasabit si Hero sa drug test dahil hindi naman sikreto ang pagiging biktima nito ng droga.

Ang ginawa raw na ito ng bise ay isang paraan ng pamilya Belmonte upang hindi mawala sa kanila ang kontrol ng lungsod matapos magpakawala raw umano ng mga kandidato ang pamilya Bautista nitong nakaraang eleksyon.

Pansinin na anim na miyembro ng pamilya Belmonte ang nakaupo sa poder ngayon. Una na rito si Rep. Feliciano Belmonte ng ika-apat na distrito ng Lungsod Quezon, Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong, Rep. Jose Christopher Belmonte ng ika-anim na distrito ng lungsod, mga Konsehal na sina Oliviere Belmonte (unang distrito), Irene Belmonte (ika-apat na distrito) at Sebisyo sa Bayan Party-list Rep. na si Ricardo Belmonte Jr.

Hindi raw nagustuhan ng pamilya Belmonte ang ginawa ni Mayor Bistek kaya hayun ginigiba nila si Hero at pati na rin si mayor sa ngayon. Pansinin rin na maliban kay Hero ay wala ng iba pang kanditato ang mayor na lumusot nitong nagdaang halalan.

“Paanong lulusot e tinrabaho talaga para wag manalo,” sabi ng isang kaibigan natin na madalas sa city hall.

Gayun man ay may nagsasabi na hindi sinasadya ni Vice ang pangyayari dahil ang kanyang utos na ipa-drug test lahat ng mga konsehal ay bilang pagsunod lamang sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinasadya man o hindi ay lumalaki na ang epekto ng kautusan ni Vice. Kamakailan ay kinasuhan na ng Volunteer Against Crime and Corruption ang magkapatid na Bautista sa Ombudsman na maaring ikasibak nila sa puwesto.

Hindi alam ng Usaping Bayan kung may kinalaman ang pamilya Belmonte sa kilos na ito ng VACC pero isa lang ang tiyak…

Masakit ang ulo ni Mayor Bistek pag-uwi mula sa Oslo, Norway.

 

 

 

 

 

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.