News

Pagdilao at Tinio kakasuhan ng kapabayaan ng NAPOLCOM

Police Director Joel Pagdilao and Chief Superintendent Edgardo Tinio. Photo © http://news.abs-cbn.com
Police Director Joel Pagdilao and Chief Superintendent Edgardo Tinio. Photo © http://news.abs-cbn.com

SASAMPAHAN ng kasong kapabayaan sa tungkulin ng Pambansang Komisyon ng Pulisya (NAPOLCOM) sina Director Joel Pagdilao at Chief Supt. Edgardo Tinio, ang dalawa sa limang sinasabing narco-generals, matapos makakalap ng mga ebidensya laban sa kanila.

Ayon kay Johnson Reyes, hepe ng NAPOLCOM-Inspection, Monitoring and Investigation Service, inaantay na lamang ang permiso ni Pangulong Rodrigo Duterte bago sampahan ng kasong administratibo sa en banc body ng komisyon sina Pagdilao at Tinio na dating naging mga hepe ng pulisya ng Lungsod Quezon.

Ipinaliwanag ni Reyes na inaantay nila ang paabiso ng pangulo dahil ang dalawag opisyal ay mga presidential appointees.

Sinabi pa ni Reyes na bukod sa kapabayaan sa tugkulin ay maaring masampahan pa ng mga kasong “serious irregularity in the conduction of duty and conduct unbecoming of a police officer” Dagdag pa niya, may katumbas na kaparusahan na suspension o d kaya ay pagkakatanggal sa serbisyo ang mga naturang paglabag sa alituntunin, kung sakaling mapatunayang maysala ang mga kakasuhan.

Ayon sa IMIS na nagsagawa ng imbestigasyon laban kina Pagdilao at Tinio, inirekomenda nila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nasabing opisyal ng Philippine National Police matapos silang makakalap ng mga “circumstancial, testimonial at direct evidence” laban sa dalawang heneral.

Idinagdag pa ng IMIS na hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon sa isa pang aktibo sa serbisyong heneral, Chief Supt. Bernadro Diaz, na isinasangkot din sa kalakaran ng bawal na gamot. Samantalang hindi na saklaw ng NAPOLCOM ang mga retiradong heneral na sina Vicente Loot at Marcelino Garbo dahil wala na sila sa serbisyo.

Si Pagdilao at Tinio ay naunang isinangkot ni Pangulong Duterte, kasama ang tatlo pang heneral, sa kalakaran ng bawal na gamot bilang mga protektor umano nito. Mariing itinanggi ng dalawa ang bintang sa kanila.

Nauna ng sinabi ng NAPOLCOM na wala silang tahasang ebidensya na magkakabit sa tatlong aktibong heneral sa kalakaran ng bawal na gamot.

Basahin pa: http://beyonddeadlines.com/2016/08/02/napolcom-pagdilao-tinio-violated-a-lot-of-operating-procedures-indicating-they-could-be-drug-syndicate-protectors/

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.