News

Repormang pang Agraryo buhay sa mga kanayunan

Isang magsasakang Pilipino. Larawan © http://ffemagazine.com
Isang magsasakang Pilipino. Larawan © http://ffemagazine.com

BILANG pagsusulong ng repormang agraryo sa kanayunan ay aabot sa kabuuang P126 milyon halaga ng natapos na mga farm-to-market roads, tulay, patubig at post-harvest facilities ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pinakikinabangan ngayon ng mahigit 3,000 magsasaka sa Kanlurang Visayas.

Sa isinagawang turn-over ceremony, sinabi ni DAR Undersecretary for Foreign-Assisted and Special Projects Herman Ongkiko na kabilang sa proyekto ang El Progreso-Tag Osip road, Post-harvest facility sa Buruanga at Kabulihan bridge sa bayan ng Malay sa lalawigan ng Aklan.

Ayon pa sa DAR kabilang sa naturang proyekto ang San Joaquin-Sta. Ana Communal Irrigation Project, Agdugayan- Sta. Ana-San Joaquin road at ang Sta. Ana-San Joaquin Post-Harvest Facility sa lalawigan naman ng Antique.

Sinabi pa ng ahensya na kasama srin a naturang proyekto ang Talanago-Sitio Sibucao road at Abangay Communal Irrigation Project sa Iloilo.

Tiniyak ng DAR na ang mga naturang proyekto ay magpapa-unlad at magpapasulong sa kabuhayan ng mga magsasaka sa naturang mga lalawigan para maisulong ang repormang agraryo sa kanayunan.

Ang naturang proyekto ay ipinatupad sa ilalim ng Agrarian Reform Support Infrastructure Project o ARISP ng DAR na pinondohan naman ng Japan International Cooperation Agency o JICA na layong mai-angat ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga agrarian reform beneficiaries sa buong bansa.

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.