News

Kapatid na konsehal ni Mayor Herbert Bautista “biktima ng bawal na gamot”

Quezon City Councilor Hero Bautista giving his privilege speech. Photo © http://www.gmanetwork.com
Quezon City Councilor Hero Bautista giving his privilege speech. Photo © http://www.gmanetwork.com

NAGING emosyunal si Konsehal Hero Bautista ng 4th District ng Quezon City sa “pag-amin” na siya ay “biktima ng ipinagbabawal na gamot” dahilan para siya’y kondenahin ng publiko bilang taga-tangkilik nito. Si Hero ay nakababatang kapatid ng kasalukyang punong lungsod na si Herbert “Bistek” Bautista,

Ang pag-amin na ito ni Konsehal Bautista na biktima siya ng illegal na droga ay ipinalalagay ng marami na isang paraan ng pagsasabi na naka-gamit siya ng bawal na gamot.     

Sa kanyang privilege speech nitong Lunes, bagama’t walang sinisisi si Hero sa nangyari ay ipinahayag niya ang naisin na mag-retreat at maglakbay ng dalawang linggo hanggang isang buwan para hanapin ang sarili. Idinagdag pa niya na isang joke ang nangyari (ang pagiging biktima niya ng droga) upang siya ay maging masaya.

Inaasahang mag-pa-file ng leave of absence sa konseho ang kontrobersyal na konsehal habang hinahanap niya ang kanyang sarili. Gayon man ay nagbigay siya ng katiyakan na muli siyang babalik para gampanan ang kanyang trabaho bilang konsehal ng lungsod.

Kapnsin-pansin na maliban sa kapatid niyang si Harlene, na isa ring dating artista, ay wala ang kapatid niyang alkalde upang saksihan ang kanyang privilege speech.

Ang privilege speech ni Hero  ay reaksyon sa mga umuugong na kondemnasyon ng publiko sa balita na naging positibo siya sa isinagawang biglaang drug testing ng tanggapan ni Vice Mayor Joy Belmonte.

QC Mayor Herbert Bautista. Photo © http://newsinfo.inquirer.net
QC Mayor Herbert Bautista. Photo © http://newsinfo.inquirer.net

Nauna rito, magugunitang sa isang meeting ng mga department heads ay inamin ni Mayor Bautista na kabilang ang kanyang nakababatang kapatid sa mga government officials ng lungsod na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Sa isang banda, umapela si Councilor Bautista na huwag siyang kondemnahin ng publiko at ang kanyang kapatid lalo’t wala namang itong nalalaman at hindi siya protector nito. Sa kabaligtaran, diin niya, siya ang protector ng kanyang kapatid.

Samantala tiniyak naman ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na mananatili pa rin na konsehal si Bautista matapos ang kanyang privilege speech. Idinagdag pa niya na maaaring mag-appoint si Majority Floor Leader Franz Pumaren ng pansamantalang kapalit ni Councilor Bautista sa mababakanteng komite nito habang hinahanap nito ang kanyang sarili. 

Gayun man ay hindi malinaw kung papatawan ni Belmonte ng kaparusahan si Konsehal Bautista matapos itong maging positive sa drug test na kanyang ipinag-utos.

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.