Opinions

Lumalaganap na ang Kultura ng Kamatayan sa ating bayan*

usaping bayanARAW-araw na lang ay nababalitaan natin na may natatagpuang patay sa iba’t ibang bahagi ng ating kapuluan. Habang tayo’y nag-aalmusal ay maingay na ibinabalita sa radyo o telebisyon ang mga patayang ito at para tayong na babato-balani na inaalam pa kung ilan ang napatay sa araw na iyon. Nagiging parang isang i-sport na ang mga pangyayaring ito.

Ayon sa mga ulat ng media, mayroong napapatay habang hinuhuli dahil lumaban daw sa mga pulis. Mayroon din naman na napapatay ng mga sinasabing vigilante na kadalasan ay riding-in-tandem, biktima ng salvaging.

Dahil nga pangkaraniwan na ang mga patayan, dumarating na tayo sa punto na yung mga reporter ay may pro-porma ng istorya. Fill in the blanks na lang yung pangalan ng namatay, oras, petsa at lugar. Kung tutuusin ay puwede ng hindi respondehan ng mga reporter ang lugar ng patayan dahil iisa lang ang kuwento na nakukuha nila.

Pero ang tunay na nakapangangamba ay hindi lamang ang kawalan ng reaksyon ng nakararami laban sa mga patayang ito kundi ang kanilang tila pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagsasawalang kibo. Parang manhid o indifferent na tayo sa araw-araw na balita tungkol sa pagdanak ng dugo. Ordinaryo at sanay na tayo. Sa hindi malayong panahon, itong indifference na ito ng sambayanan ang tuluyang magbubunsod sa panganib na hatid ng kultura ng kamatayan sa ating lipunan.

Ang pagsulong ng ating lahi ay nakasalalay sa ating sama-samang pagkilos. Hindi tayo susulong kung may bahagi sa ating lipunan na ating itatapon o isusuka at aalisan ng karapatang mabuhay.

* * *

Kagabi napadaan na naman uli ako kahabaan ng Congressional Avenue mula Luzon hanggang EDSA at tulad ng dati, ganun pa rin ang sitwasyon @#$#%^&$#. Naghambalang pa rin ang mga pribadong sasakyan na ginagawang parking lot ang isang linya ng daan.

Sadyang walang ginagawa ang barangay, pulisya at lokal na pamahalaan sa problemang ito @#^*(&%$%^&. Magkano kaya ang parating ng mga establisimiento sa kinauukulan sa lugar na ito?

 

 

 

 

 

 

  * Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.