Opinions

Mahina kasi ang ebidensya kaya nainsulto sila*

usaping bayanGALIT na galit si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa kinalabasan ng kasong plunder ni dating pangulo at ngayon ay Kongresista Gloria Macapagal Arroyo matapos itong ibasura ng Kataas-taasang Hukuman o Supreme Court nitong nagdaang Martes.

Dangan kasi ay insulto-mayor sa mga taga-Ombudsman ang pangyayari. Isipin na lamang na matapos silang magharap nang isang katutak na ebidensya at testimonya ay nagsampa sa Sandiganbayan ng tinatawag na “demurrer to evidence” ang mga abogado ni Aling Gloria na parang sinabi sa mga abogado ng pamahalaan na walang kwenta ang mga iniharap nilang ebidensya.

Ibinasura ng Sandiganbayan ang “demurrer to evidence” na inihain ng kampo ni Aling Gloria kaya bilang tugon ay isinampa nila ang isyu sa Supreme Court. Binaligtad naman ng Mataas na Hukuman ang pasya ng Sandiganbayan at kinatigan na tama at walang kwenta nga ang ebidensya na inilabas ng mga taga-Ombudsman.

Hindi komo maraming ebidensya ang iniharap ng isang partido ay mabigat at tama ito. Kung walang elemento na tahasang nag-uugnay sa akusasyon at inaakusahan ay walang kwenta ang ebidensya kahit anong dami nito.

Ang “demurrer to evidence” ay isang mosyon sa hukuman na humihiling na ibasura ang kaso dahil walang kwenta o di sapat ang ebidensya na iniharap ng isang partido sa usapin.

Insulto ang “demurrer” kasi sinasabi ng nag file nito sa kalabang partido sa kaso na “mga walang kwenta ang ebidensya ninyo.” Iyon talaga ang dahilan kaya galit na galit si Ombudsman Morales at hindi dahil lamang nadismis ang kaso. Nainsulto siya ng todo ng katigan ng hukuman ang mga abogado ni Aling Gloria.

O ngayon alam na natin.

* * *

DSC022541
Ito ang isang halimbawa ng tricycle na para sa mga unano, bata o duwende….sobrang sikip at hirap sakyan lalo na kung malaki ang sasakay

May mga gumagawa ng sidecar ng mga tricycle na parang walang isip.

Napansin ba ninyo kung gaano kababa at kasikip ang loob ng mga tricycle na ito? May palagay ako na adik ang mga gumagawa nito kasi mukhang bunga ng trip nila ang kanilang sidecar.

Siguro sa daigdig nila, ang sumasakay ng tricycle ay mga duwende, unano o puro bata…kasi sila lamang ang magkakasya sa ganitong kaliliit na tricycle. Haaaayyyy onli in the Philippines……

 

 

 

 

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.