Saan tayo tatakbo kung tuluyang hindi na pinapansin ang karapatang mabuhay?*

n1MARAMI na ang napapatay na pinaghihinalaang tulak ng droga sa lilim ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga sindikato ng bawal na gamot.

Wala tayong tutol sa kilos ng pamahalaan laban sa lahat ng uri kriminalidad. Gayon man ay hindi ko maialis sa aking sarili na magalala na maaring maging bahagi na ng ating kultura ang walang habas na pagpatay ng tao.

Nakapagingilabot na aagos ang dugo dahil sa dami ng mapapatay sa lilim ng kultura ng kamatayan at karahasan.

Higit pang nakapangangamba kapag hindi na lang mga kriminal ang pinapatay kundi yung mga inosente na nakursunadahan lamang o mga kalaban sa politika ng mga nasa poder. Bukod pa dito ay natututo ang marami sa atin na maging mamamatay tao.

Ang batas ay naandyan para protektahan ang lahat ng mga mamamayan pero sa nangyayaring ito ay nababaliwala at nawawalan ng silbi ito. Saan tayo tatakbo para sa proteksyon kung tuluyan na nating babaliwalain ang mga batas lalo na ang due process para sa mga inaakusahan?

* * *

Haaayyyy nakapapagod ng isulat ito pero hindi pa rin kasi kumikilos hanggang ngayon ang lokal na awtoridad ng Lungsod Quezon kaugnay ng paghambalang nang mga sasakyang pribado, lalo na kung gabi, sa kahabaan ng Congressional Avenue, mula sa kanto ng Luzon Avenue hanggang sa EDSA.

Saksakan ng suwerte ang mga establisimiento sa lansangang ito kasi lumalabas na ginawa ng pamahalaan gamit ang salaping bayan ang nasabing daan para may maparadahan ang mga customers ng mga establisimiento sa langsangang ito. Aba, nagpapagawa pala ng daan ang pamahalaan gamit ang buwis ng bayan para ipagtayo lamang ng parking lot ang mga establisimientong ito.

Dahil pera ng bayan ang pinakikinabangan ninyo, lalo na kung gabi, ay dapat na singilin kayo ng pamahalaan. Ang bayad ay para sa perhuwisyo at panganib na dulot ng mga kliyente ninyo na illegal na pumaparada sa kalyeng ito.

 

 

 

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.