News Opinions

Nasaan ang Dangerous Drugs Board?*

USAPING-BAYAN-LogoMARAMI na ang napapatay (sinasalvage) na drug personalities ang Philippine National Police subalit katakatakang tahimik at tila walang papel ang Dangerous Drugs Board, ang ahensya ng pamahalaan na dapat ay nangunguna sa mga kilusang ganito.

Dangan kasi ayon sa Republic Act 6425 o yung Dangerous Drugs Act of 1972 at iba pang mga susog dito, ang DDB dapat ang nangunguna sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga at hindi ang Philippine National Police.

Kaya nilikha ang DDB ay para labanan ang mga sindikato ng droga at pigilin ang pagkalat ng bawal na gamot bilang pangunahing ahensya ng pamahalaan.

Kung tutuusin ang PNP, sa panahon ngayon, ay hindi na dapat nakikialam sa mga operasyon laban sa droga. Trabaho na ito dapat ng Philippine Drug Enforcement Agency. Kung sakali na makalahok ang pulisya sa paglaban sa droga ay bilang tagabigay ayuda na lamang sa PDEA.

Hindi PNP ang pangunahing organisasyon na dapat nangunguna sa mga operasyon laban sa droga. Kaya ang tanong ay nasaan ang DDB?

* * *

Ano kaya ang pinagsasabi ni Sen. Tito Sotto na kailangang ng superbody na ipaiilalim kay Pangulong Rodrigo Duterte para labanan ang paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa bansa?

Malinaw na hindi alam ni Sotto ang tungkol sa DDB, RA 6425 at mga sumunod na sususog sa batas na ito.

Ang DDB ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo o Office of the President. Ito ay isang superbody na kinabibilangan ng mga sumusuno na ahensya ng pamahalaan: DOJ, DOH, DND, DOF, DOLE, DILG, DSWD, DFA, DEPeD, CHED, NYC, PDEA, IBP, isang NGO representative, NBI at PNP.

Kaya ano pa ang pinagsasabi ni Sotto na kailangang buuin? Haaay mahirap talaga pag  na dumakdak kung hindi alam ang idadakdak.

* * *

Hindi pa rin kumikilos ang lokal na awtoridad ng Lungsod Quezon tungkol sa naghambalang na mga sasakyang pribado, lalo na kung gabi, sa kahabaan ng Congressional Avenue, mula sa kanto ng Luzon Avenue hanggang sa EDSA.

Napaka-suwerte ng mga establisimiento sa lansangang ito kasi lumalabas na ginawa at pinalapad ang nasabing daan para may maparadahan ang kanilang mga customers. Aba, nagpapagawa pala ng daan ang pamahalaan gamit ang buwis ng bayan para ipagtayo ng parking lot ang mga establisimientong ito.

Dapat ay singilin ng pamahalaan ng mahal ang mga establisimientong ito dahil sa perwisyo at panganib na dulot ng mga kliyente nilang pumaparada ng illegal sa kalyeng ito.

 

 

 

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.