Opinions

Kagila-gilalas*

USAPING-BAYAN-LogoKAGILA-GILALAS at napakabilis ang mga pagbabago na nagaganap ngayon sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung ikukumpara ang nagdaang administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III ay lumalabas na parang tuod ito sa halos kawalan ng nangyayari.

Isang halimbawa ng pagbabago  ay ang napipintong pagsasabatas, sa pamamagitan ng isang executive order, ng Freedom of Information na natulog sa loob ng labing anim (16) na taon sa panahon ng mga administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo at BS Aquino III sa kabila ng kanilang mga pangako na isasabatas ito.

Ayon kay kalihim pangkomunikasyon na si Martin Andanar ay nakatakdang pirmahan ng pangulo ang EO kaugnay ng FOI ngayong araw na ito (Biyernes).

Isa pang pagbabago ay ang paglilinis na nagaganap sa hanay ng Philippine National Police at Hukbong Sandatahan.

Kamakailan lamang ay pinangalanan ng pangulo ang limang heneral ng PNP (dalawa sa mga ito ay retirado na) na may kaugnayan diumano sa sindikato ng ipinagbabawal na gamot. Pinaigting din ang kampanya laban sa mga sindikato na nagpapalaganap ng droga kaya halos araw-araw ay may natutumbang tulak ng o adik sa droga.

Sabi pa ng mga nasa pamahalaan na malapit na ring isunod ang problema sa iba pang uri ng krimen at sa trapiko.

Sa ngayon napaka-aga pa para husgahan kung tama o mali ang mga nangyayari pero isa lang ang hindi natin maitatanggi, unti-unting naaantig ang taong bayan. Huwag sanang maunsyami ang taong bayan sa nararamdaman nito ngayon.

* * *

Hindi pa rin kumikilos ang lokal na awtoridad ng Lungsod Quezon tungkol sa naghambalang na mga sasakyang pribado, lalo na kung gabi, sa kahabaan ng Congressional Avenue, mula sa kanto ng Luzon Avenue hanggang sa EDSA.

Napaka-suwerte ng mga establisimiento sa lansangang ito kasi lumalabas na ginawa at pinalapad ang nasabing daan para may maparadahan ang kanilang mga customers. Aba, nagpapagawa pala ng daan ang pamahalaan gamit ang buwis ng bayan para ipagtayo ng parking lot ang mga establisimientong ito.

Dapat ay singilin ng pamahalaan ng mahal ang mga establisimientong ito dahil sa perwisyo at panganib na dulot ng mga kliyente nilang pumaparada ng illegal sa kalyeng ito.

 

 

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.