Opinions

Nakasusuka ang kawalan ng prinsipyo ng mga pul-politiko*

USAPING-BAYAN-LogoNGAYONG nanalo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bagamat hindi pa siya opisyal na napoproklama ay dumadagsa na sa kanyang pansamantalang headquarters sa Lungsod ng Davao ang laksa-laksang pulpol na politiko o pul-politiko para maka-amot ng poder.

Nagbabakasakali ang mga linta at walang kahihiyan na mga ito na makasambot ng posisyon sa administrasyong Duterte. Labis akong naduduwak kapag nakikita sa telebisyon ang pagmumukha ng mga pul-politikong ito na animo ay mga maamong tupa.

Kaiingat kayo President-Elect Duterte sapagkat iyang mga yan ang tunay na halimaw na sumisipsip sa laman ng kaban ng bayan. Baka mabiktima kayo/tayo ng mga iyan. Sila’y magaling humimod ang magsip-sip…mga sanay na sanay sa ganyang gawain dala ng mahabang karanasan nila bilang pul-politiko.

Parang kailan lang at mga kritiko ninyo ang mga iyan. Kung ano-ano ang mga matatalim na sinasabi nila laban sa inyo tapos, ngayon kung kalian tiyak na ang inyong panalo, ay bigla silang kumambiyo at ipinangangalandakan sa bayan na kakampi nila kayo. Kapal talaga ng mga iyan.

Siguro ginoong pangulo, mas mainam kung sila ang una ninyong patikimin ng pagiging “punisher” ninyo. Sagad sa buto ang kawalanghiyaan ng mga iyan. Mga naturingang disente pero walang disente sa kanilang pinaggagagawa.

* * *

Mukhang OK naman ang mga napipili ni President-elect Duterte na maging kasama niya sa gabinete maliban sa ilan na parang kaya napasok lamang ay dahil nagbabayad utang ang PDP-Laban.

Kahit may ganito tayong pakiramdam sana ay mali ang kinatatakutan natin. Ang mga political appointee na ito ay maging asset sana ng administrasyong Duterte.

* * *

Maraming panukala na makabuluhan si President-elect Duterte maliban siguro sa sinabi niya na nais niyang ibalik ang parusang kamatayan. Sana ay mapag-aralan muna ang naisin niyang ito bago siya kumilos.

 

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

 

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.