Opinions

Tumatagilid si Boy Technocrat*

USAPING-BAYAN-LogoNITONG nakaraan kong kolum ay nasabi ko na maaaring si Boy Technocrat, na pinapaburan ni Tiyo Samuel, ang mukhang mauupo sa Malacanang dahil alam naman ng lahat na siya ang taga-sulong nang pandaigdigang agenda ng tiyuhin natin na pakialamero.

Pero kamakailan ay ipinahayag ni Presidential Candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ibig daw siyang kausapin ni Tiyo Samuel upang pagusapan ang tungkol sa pagangkin ng Tsina sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Bigla akong nagulantang at napatingin sa langit kasi mukhang biglang tumatagilid si Boy Technocrat sa tingin ng ating tiyuhing makulit.

Walang dahilan si Tiyo Samuel na kausapin si Duterte at malinaw na ginagamit lamang nito bilang palusot ang isyu sa West Philippine Sea. May palagay ako na ang bumubulusok na popularidad sa survey ni Duterte ang tunay na dahilan sa likod ng imbitasyon ng mapanghimasok na tiyuhin natin.

Siyempre gusto ni Tiyo Samuel na maniguro na kung si Duterte ang biglang mapaupo sa Malacanang, kahit hindi niya bata ito, ay kontrolado pa rin niya ang galaw at mga desisyon ni mayor. Dahil sa taglay na yaman at kapangyarihan ay ibig ng tiyuhin natin na palagiang nakasawsaw sa mga mahahalagang kaganapin dito sa ating bayan para masiguro ang pagsulong ng kanyang pansariling interes.

Kahit may una akong palagay na habang tumitindi ang kampanya para sa halalang pampanguluhan ay lumalaki ang tyansa ni Boy Technocrat na maupo sa Malacanang, mukhang mababago ang tingin kong ito kung mapapatunayan ang ibinabalita ni Duterte.

Gayun man sino man ang manalo na kandidato sa nagaganap na karerang pampanguluhan ay isa lang ang tiyak ako…mukhang isang super minority president na naman ang mauupo sa palasyo ng bayan.

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.