Opinions

Ang technocrat na kaya???*

USAPING-BAYAN-LogoKAHIT huli na ay ibig ko pa ring magpugay sa mga katuwang natin sa pamumuhay, ang mga kababaihan.

Nitong nagdaang Martes ay ginunita ng mundo ang pandaidigang araw nila at dahil dito ay binabati ko kayo mga kababaihan – “Happy Women’s Day.”

* * *

Ayon sa katoto natin na si Abner Galino na isa sa mga writers ng Beyond Deadlines, habang tumitindi ang kampanya para sa halalang pampanguluhan ay mukhang lumalaki ang tyansa ni Mar Roxas na maupo sa Malacanang kahit mas marami ang hindi sampalataya sa kanya.

Dangan daw kasi ay solido ang suporta ng mga dilawan sa kandidatura ng dating DILG secretary at biyak-biyak naman ang para sa mga tulad ni VP Jejomar Binay, mga Senadorang Grace Poe at Miriam Santiago at Davao City Mayor Digong Duterte.

Idinagdag pa niya na may malaking makinarya si Roxas dahil na rin sa tulong ng pangulo. Pero tiyak na matatalo si Roxas sa isang mano-mano na labanan, dagdag pa niya.

Sumangayon ako at nanghinayang dahil malabong mangyari na magiging isa’t isa ang labanan. Lumalabas sa usapan namin na tulad ni Fidel Ramos, mukhang isang super minority president na naman ang mauupo sa palasyo ng bayan.

* * *

Mula ng magumpisa ang karerang pampanguluhan ay hindi pa rin nagbabago ang aking tayo na walang ibobotong pangulo dahil sawang-sawa na ako sa paghahalal ng mga “lesser evil” o yung mga tao na ang kategorya ay “pwede na yan.”

Palagay ko dapat magkaroon tayo ng lider na sadyang mahusay at hindi yung napagpilian lamang mula sa hanay ng mga walang kwenta.

Dapat na nating itapon ang nakaugalian na “puwede na yan” o “ok na yan” lalo na sa pagpili ng lider ng bayan.

 

* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.