Opinions

Sadyang walang kahihiyan*

USAPING-BAYAN-LogoSADYANG wala ng natitirang pagpapahalaga sa kahihiyan ng ating bayan ang pamunuan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Nasabi ko ito matapos payagan ng kanyang administrasyon na maglagay ang Kaharian ng Saudi Arabia ng sarili nilang security x-ray machines sa Ninoy Aquino International Airport dahil umano sa banta ng terorismo laban sa kanilang mga eroplano dito sa lugar natin.

Hindi man lamang pinalabas na donasyon ang mga x-ray machines na eksklusibong gagamitin ng mga pasahero ng Saudia Airlines. Talagang ipinamukha sa atin ng pyudal na kahariang ito na tayo ay walang kakayahan na tiyakin ang seguridad ng kanilang mga eroplano sa NAIA.

Kung tayo kaya ang magpadala ng ating security devices sa paurong na kahariang ito…payagan kaya nila? Siguro kung katulad tayo ng makapangyarihang US of A pero tayo hmmmmmm malabo.

Sabagay hindi ito kataka-taka. Kasi yung pangulo mismo natin na si BS Aquino ay nangayuyupapa pa sa mga dayuhang Amerikano para magtayo uli ng mga base militar dito atin. Mayroon silang common denominator….pareho banyaga ang mga Amerikano at Saudi.

Basta dayuhan ang humiling sa administrasyong ito, papayagan agad kahit na nagmumukha tayong kahiya-hiya o kawawa. Pero kapag ang tunay na hikahos na mamamayan ang humingi ng pabor, tulad na lang halimbawa ng pagtataas ng benepisyo ng SSS o pagpapababa ng halaga ng tuition ay bahala kayo sa buhay ninyo…buhay pa naman kayo ah.

Kaya para sa mga boboto sa darating na eleksyon, hindi po ako boboto para sa pagkapangulo kasi sawa na akong bumoto ng mga lesser evil, tandaan ninyo kapag itinuloy ninyo ang “daang matuwid” tiyak na magkakawindang-windang ang buhay natin….
* Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines.

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

One Reply to “Sadyang walang kahihiyan*

  1. Walang magawa si Aquino o sinuman sa ating pamahalaan dahil sa malaking pangangailangan ekonomiya ng Pilipinas gawa ng ating mga OFW. Sa madaling sabi ay halik sa p__t si Pnoy at hawak tayo ng mga Arabo sa b__g. Kawawang Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.