Opinions

Historiko ang paghaharap ni Papa Fracsico at Patriarko Kirill sa Cuba*

USAPING-BAYAN-LogoSA kabila ng pagiging mayorya ng mga Kristiyano sa ating bansa ay kataka-takang hindi napagtuunan ng pansin ng mainstream media ang balita ng paghaharap ni Papa Franisco at Patriarko Kirill ng Russian Orthodox Church sa Cuba.

Ang makasaysayang pagkikita ni Papa Francisco at Patriarko Kirill ay maaring maging daan ng pagkakaisa muli ng simbahang Romano Katoliko at mga simbahang Eastern Orthodox kabilang na ang Russian Orthodox Church matapos ang mahigit 1,000 taon na paghihiwalay.

Nagyakap na parang magkapatid sina Papa Francisco at Patriarko Kirill ng sila ay magkita sa Havana, kapitolyo ng bansang Cuba. Ang pagkikitang ito ay isinaayos ng Vaticano at mga bansang Rusya at Cuba.

Matatandaan na nagkaroon ng malawakang iskismo sa loob ng simbahang katoliko noong 1054 AD matapos biglang angkinin ng noon ay Obispo sa Roma na si Papa Leo IX ang pamumuno sa kabuuan ng simbahang Katoliko. Pansinin na ang simbahan ng mga panahon na iyon ay pinamumunuan ng limang obispo mula sa limang sentro ng Kristyanismo sa mundo – Roma sa Italia, Antioch sa Syria, Constantinople sa Turkey, Jerusalem sa Palestina at Alexandria sa Ehipto.

Sa pagnanais na masolo ang kapangyarihan ay idineklara ni Papa Leo IX na siya lamang ang tunay na puno ng mga Kristiano na naging dahilan para mahati sa dalawang grupo ang mga Katoliko – Katoliko Romano na nakabase sa Western Europe at Christian Orthodox na nakabase sa Eastern Europe at Middle East.

Sa paghaharap na ito ay nagkaroon ng pagasa na muling magkaisa ang dalawang Katolikong grupo. Malaki ang magiging implikasyon sa daigdig kung tuluyan ngang magkaisa na ang mga Katoliko Romano at mga Katolikong Orthodox.

Harinawa ay matuloy ito.

* * *

Ano kaya ang ginagawa ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay sa maaring pagsiklab ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig sa Gitnang Silangan?

May contingency na kaya ang AFP, DOLE at POEA para sa ating mga manggagawa kung sakaling magbakbakan bigla ang mga Saudi Arabian, Turko, Syrian, Iraqi, Iranian, Amerikano at Russo sa Gitnang Silangan? O, tulad ng nakagawian, nag-nonoynoying lamang si BS Aquino?

 

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat. Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.