Opinions

Sa bingit ng digmaan

USAPING-BAYAN-LogoWALANG kamukat-mukat tayong mga Filipino na ang mundo pala ay nasasa bingit ngayon ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig o World War III.

Ayon sa mga tagamasid na dalubhasa, mas kritikal ang lagay ng mundo ngayon dahil sa kaguluhan na nagaganp sa Syria at iba pang bahagi ng Gitnang Silangan at Hilagang Africa kaysa noong kasagsagan ng “cold war” ng Rusya at Amerika. Sabi nila sa isang maling kilos lamang ng mga bansang sangkot sa kaguluhan sa Syria, tulad ng Saudi Arabia, Turkey at Iran, ay maaring sumiklab ang isang pandaigdigang giyera.

Tiyak na masasangkot agad ang Rusya, USA, Kanlurang Europa at maaring madawit naman ang Tsina, Japan, at mga bansa na kasapi sa ASEAN, kabilang na ang Pilipinas, kung sumiklab nga ang digmaang ito. Ang giyerang ito ay higit na mas mabagsik kaysa sa mga nagdaan na digmaang pandaigdig (WWI at WWII) dahil ang Amerika, Rusya, Tsina at ilang bansa sa Kanluraning Europa ay armado ng mga sandatang nukleyar.

Maaring ito na ang katapusan ng mundo kung matuloy ang giyera na ito.

* * *

Sa kabila ng bantang ito ng digmaan, tayong mga Filipino naman ay “sitting pretty,” abala sa panonood at pakikinig sa mga komikerong pulpol na politiko o pulpulitiko kaugnay ng paparating na halalan. Wala sa hinuha natin na ang ating mga kababayan na nasa Saudi, Iraq, Iran, Jordan, UAE, Qatar, Egypt at Israel ay nakalagay na pala sa panganib.

Ano kaya ang mga “contingency plan” ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng bantang ito laban sa buhay ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers? Natatakot ako na wala. Batay sa mga ilan na nagdaan na kaganapan na kinailangan ang agaran niyang pagkilos, napatunayan natin na mas mauuna ang “noynoying” sa kanya kaysa ang pagtugon sa problema.

Alam na alam yan ng mga taga Mamasapano, Tacloban at mga saksi sa Luneta “hostage taking incident.”

Haaaay kawawang Pilipinas.

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat. Hindi ito ang opisyal na posisyo ng Beyond Deadlines

 

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.