Opinions

Tama si Aling Grace

USAPING-BAYAN-LogoTAMA ang rekomendasyon ni Senadora Grace Poe at ng pinamumunuan niyang “subcommittee on public services” sa senado na imbestigahan kung nagkasala ng graft si Department of Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya at ilan sa kanyang mga amuyong dahil sa kanilang kapalpakan na tugunan ang suliranin kaugnay sa pagpapatakbo ng Metro Rail Transit o MRT.

Ayon sa senadora may mga malakas na indikasyon nagkasala ng graft si Abaya at iba pang opisyal ng DOTC. Si Abaya ay apo ni Emilio Aguinaldo, na ayon sa tala ng kasaysayan ay siyang nagpapatay kay Andres Bonifacio, ang tunay na unang pangulo ng ating republika.

Ayon kay Aling Grace pinabayaan ni Abaya na lumalala ang problema ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na siyang dahilan para maperhuwisyo ang milyon nating kababayan na araw-araw sumasakay dito. Dapat daw na agad imbestigahan ng Office of the Ombudsman, Department of Justice at Civil Service Commission si Abaya at mga kasama nito kaugnay ng graft.

“In the course of the inquiry with regard to malfunction problems of the MRT3, the Sub-Committee observed the badges of negligence and inaction of [DOTC] officials led by Secretary Joseph Emilio Abaya indicating insensitiveness, callous indifference and acts disadvantageous to the commuters, the Filipino public and the Government,” sabi ni Poe sa kanyang 45-pahinang ulat.

Nauna ng hiniling ni Aling Grace kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na sibakin sa puwesto si Abaya dahil sa incompetence at shortsightedness pero hindi pinansin ng pangulo ang kanyang mungkahi.

Sa palagay ko kung marunong mahiya itong si Abaya ay nagbitiw na ito sa kanyang puwesto ng lumala ang problema sa MRT noong nakarang taon. Kaso parang hindi siya marunong mahiya kaya kapit pa rin sa puwesto. Alin kung Hapon ang nalagay sa isang sitwasyong ganito ay matagal ng nagbitiw ito sa puwesto at maaring nagpakamatay pa dahil sa kahihiyan at pagkawala ng karangalan.

Gayon man hindi nagiisa si kalihim na ito ng DOTC. Maraming opisyal ng pamahalaan na katulad niya na ang isinasangkalan ay ang pagiging appointee ng pangulo. Sabi nila si BS Aquino lamang puwedeng sumibak sa kanila, ito ay sa kabila ng kanilang pagiging incomptent sa tungkulin. Haaay, ang mga tuko nga naman.

-30-

Nelson Flores, J.D., MSCK
A former reporter of the Philippine Daily Inquirer, Manila Standard Today, and a regular columnist of the Metro Manila based daily tabloid newspaper Hataw; Nelson Flores is also the former Senior Associate Editor of the Houston based Fil-Am Press and former anchor of dzXL and dzRJ's weekend talk show Usaping Bayan. Mr. Flores has a Bachelor of Arts in Journalism and Law degrees from the University of Santo Tomas and Adamson University and a holder of a study certificate from the Diocesan House of Studies, Iglesia Filipina Independiente (IFI). He is a Freemason and member of Reagan Lodge 1037 in Houston Heights under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Texas and a member of the Missionary Society of Christ the King (MSCK).

One Reply to “Tama si Aling Grace

  1. Talagang garapal na ang kakapalan ng mga mukha ng mga palpak na alipores ni Aquino, na a tulad din nina Honrado ng NAIA at Lina BoC. Ang pagkamanhid ni Aquino sa tunay damdamin ng kanyang mga “BOSS” ay matatapos lamang sa May election na sana naman ay magluklok ng isang may tunay na malasakit sa sambayanang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.